Mikaela's POV Mataman kong tinitigan ang sarili ko sa whole body mirror sa kwarto namin ni Angelo. Para akong nakalunok ng pakwan! Napalabi ako. Mukhang unti-unti narin akong tumataba, ang sabi naman ni Angelo ay hindi naman daw ako mataba, sexy pa rin daw ako, ngunit taliwas naman ang sinabi niya sa nakikita ko ngayon sa harap ng salamin. Anim na buwan palang ang ipinagbubuntis ko pero ang laki-laki na yata ng t'yan ko, meron namang ibang buntis na hindi pa gaanong malaki ang t'yan kapag 6 months palang. Mukhang malusog yata ang baby namin ni Angelo pagkalabas nito. Ani Dra. Torres ay healthy raw ang baby namin ni Angelo, kaya masayang-masaya kami ni Angelo nang malaman namin 'yon. Excited na nga sanang malaman ni Angelo kung ano ang gender ng magiging baby namin, pero napag-usapan nam