~oOo~ Pagkatapos naming mag-usap ni Angelo ay kinausap niya ang kaniyang anak, hindi ko na rin nalaman kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa, hindi ko na rin naman tinanong ang anak ko tungkol sa pinag-usapan nila. Nagulat nalang kami nang biglang umuwi si Angelo, siguro dalawang oras lang siya sa opisina niya tapos umuwi naman ulit. "Daddy? Why are you here na naman? May office ka po hindi ba?" Takang tanong ng bata habang naglalaro kaming dalawa sa sala. Humalik si Angelo sa pisnge ng anak tapos umupo sa couch. "I'll be staying here. Babantayan kita, ayaw mo ba no'n?" Kumunot ang noo ng anak ko at tumigil sa paglalaro. Nakaupo lang ako sa sahig at ganoon din ang anak ko. "Mommy's here naman, you can work naman po." Hinubad ni Angelo ang coat niya at ipinatong sa attaché cas