~oOo~ Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ko. "Paano ba 'yan? Mukhang matagal-tagal pa akong makakahiga ulit sa'yo." Ani ko sa isipan ko. Para sa kapakanan ng nakararami rito sa orphanage ay nagdesisyon akong sumama kay Angelo sa Manila para maging Nanny ng anak ko. Bahala na kung ano man ang mangyari sa akin basta huwag lang mawalan ng sponsors ang orphanage, mas malaking problema 'yon kapag nagkataon. Kakayanin ko pa naman siguro pa ang masaktan, pero kapag hindi na ewan ko na lang. Baka mabaliw na ako. "Mikay?" Tawag ni Tammie sa akin sa mahinang tinig, pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya. Agad niya akong niyakap, yumakap din ako sa kanya pabalik. "Okay ka lang ba talaga roon? Sabihin mo lang kapag sinaktan ka niya, huh? Susugurin ko talaga siya!"