~oOo~ Dalawang araw na mula ng lumipas ang pag-uusap namin ni M.A. nang ako ang pinakilala niya bilang Mommy niya sa mga kaklase niya ay hindi na niya ako kinakausap pa, hindi na rin niya ako hinahayaang sumama sa kanya sa loob ng paaralan niya. Napapansin na rin 'yon nila Manang Minda pero hindi ako nagsalita, si Angelo lang ang kinakausap ni M.A., hindi niya rin siguro nababanggit sa Ama ang nangyari noong nakaraang dalawang araw kase parang wala naman silang alam. Ngunit buo ang desisyon kong sunduin ang anak ko mamaya, magalit man siya ay okay lang. After all Nanny niya lang naman ako at ang alam niya ay mali siya dahil nagsinungaling siya sa iba dahil iba ang Mommy niya at hindi ako. "Hija, akala ko ba ay simpleng tampuhan lang ang naganap sa inyo ni M.A.? Bakit ilang araw na yatan