~oOo~ Matapos ang ilang buwan ng paghahanda namin ay ito na nga ang araw na iyon, nakahanda na ang lahat. Nakaayos na rin ang mga upuan at mga mesa, si Tammie ang magiging Emcee at ako naman at ang iba ko pang mga kasama ay ang mag-aasikaso sa mga bisita naming mga sponsors. Nakadress lang ako na kulay peach, bagay ito sa akin kase hindi naman ako masyadong maitim. Katamtaman lang ang pagkaputi ko. Hindi rin naman ako nagmake-up pa, hindi naman kase ako sanay. Okay na ako sa itsura ko. Si Tammie naman ay nakasuot din ng dress na kapareho ng kulay sa akin, para raw kambal kami. Nagsisimula ng dumami ang mga bisita at narito na rin si Mayor Ronilo Chavez, isa siya sa mga special guests namin. "Magandang hapon po, Mayor" Bati ko sa kanya. Kasama niya ang asawa niya na napakaganda at napak