~oOo~ Pagkatapos ng mga sinabi ni Angelo sa akin ay hindi na ako nagsalita pa, humahagulgol akong tumatakbo palabas ng Study Room at dumiretso sa kwarto ng anak ko. Nadatnan ko doon si Manang na nakaupo sa tabi ng anak ko. Nagtataka niya akong tiningnan at agad siyang lumapit sa akin. "Anak! Anong nangyari? Sinaktan ka na naman ba ni Angelo? Sabihin mo sa akin!" Nag-aalala niyang tanong sa akin. Mas malala pa ang ginawa niya sa akin! Para na niya akong pinatay sa kondisyun na gusto niyang mangyari! Umiling ako kay Manang, hindi ko pa sasabihin sa kanya ngayon. Baka bukas kaya ko nang sabihin sa kanya, hindi ko alam. "Anak, sabihin mo sa akin. Bakit ka umiiyak?" Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nanginginig sa takot, takot sa pwedeng mangyari sa akin. Ayaw kong iwanan ang anak