~oOo~ Abala ang lahat simula pa kahapon hanggang ngayon, may malaking handaang gaganapin ngayon sa bahay ni Angelo. Doon sa may garden, malaki kase ang espayo nito at pati narin sa loob ng bahay. Isinabay kase sa first birthday ni M.A. ang kanyang binyag. Parang kailan lang, isa palang akong bata na kandong-kandong ng nanay at tatay ko, ngayon may sarili na akong anak, parang kailan lang din ng nalaman ko na nabuntis ako ng lalaking isang gabe ko lang nakilala. Ngayon isang taon na siya at bibinyagan na. Mabigat ang loob ko ngayon ngunit pinipilit kong maging matatag at masaya, kahit ngayon man lang. Kahit ngayon lang. Abala ako sa pag-aayos ng mga upuan, tables at kung anu-ano pang importanteng bagay na gagamitin ngayong araw. Wala pa kase ang mga bisita nila Angelo, nasa simbahan pa