"Bakit ka ba sumisigaw? Para hahawakan mo lang naman tsaka hihilutin mo pero kung ayaw mo edi huwag na. Tsaka huwag kang sumigaw kasi baka magising sila Lola Nena tsaka si Marilag, kawawa naman sila kung magagambala ang pagtulog nila," nag-aalalang wika niya dito. Ayaw niyang magiging ng wala sa oras si Marilag kasi sumasakit ang ulo nito kapag nakulangan sa tulog. "Diyos ko bakla ka talaga! Lumayo ka nga sa akin kadiri ka!" bulalas nito sabay hila sa kamay. "Ano bang sinasabi mong bakla, pasalamat ka at hindi mo nararamdaman itong katulad ng nararamdaman kong sakit kung sa iyo ito nangyari baka umiyak ka pa!" nakasimangot na wika niya dito dahil akala mo naman kung sino parang diringdiri ito ay samantalang hihilutin lang naman. "Gago ka ba nagcha-jak*l ka na nga sa harapan ko gusto