Agad na dinaluhan ni Arlott at ni Marilag pati na si Tiya Loleng ang kanilang Lola Nena. Takot na takot sila ng makitang may umaagos na dugo mula sa dibdib nito. "P*T*NGINA MO LITOOOO!" dumagundong ang boses ng isang lalaking kararating lamang, bumutwa iyon mula sa unahan ng daan na kinaroroonan nila. At walang ano-ano'y hinabol nito si Lito kasunod niyon ang pag alingaw-ngaw ng pagpapalitan ng putok ng baril. Hindi ito kilala ni Arlott pero hindi na nila ito pinansin ang kanilang atensyon ay na kay Lola Nena lamang. "Lola Nenaaaa... Lola koooo..." umiiyak na panaghoy ni Marilag. Hawak hawak ni Marilag ang duguan nitong dibdib. Tila sa pamamagitan ng pag takip ng palad nito na tinamaan ng bala ng baril sa parteng dibdib ng matanda ay maaampat ang dugo mula doon ngunit tila nag-iisa