"Ariel! Ariel! H-Honey ko!" nanlalaki ang matang turan ni Ellen. Kanina nakahiga lamang ito sa kama ng pumasok sila ng kanyang lolo. Tila wala itong pakialam kahit pumasok na sila, nananatili lamang itong nakahiga pero lumapit ang nurse na nasa may gilid nito at inalalayan itong umupo. Saka ito napatingin sa kanila at napako ang kanyang paningin nito sa kanya. At bigla na nga siya nitong tinawag na Ariel, kung hindi siya nagkakamali iyon ang pangalan ng kanyang Daddy. Siguro dahil sa malaki na siyang bulas kaya nahahawig na siya sa kanyang Daddy. Agad siyang lumapit dito, kinuha ang kamay nito at nagmano. Nakatingin lamang sa kanya si Ellen, tila nagtataka ito sa ikinikilos niya. "Mommy, hindi po ako si Daddy. Ako po i-ito si A-Arlott, hindi nyo na po ba ako nakikilala?" garalgal a