Candy's POV NASA harap kami ng hapag kainan. Si Mommy, Daddy ako at si Kyle. Wala ang triplets pumasok na ng school. Wala kaming imik habang kumakain. Hanggang sa magsimulang magsalita si Daddy. "Sigurado na ba kayong dalawa? Hindi niyo na kailangan ng divorce? Baka sa susunod na araw ay mag-away lang kayo divorce kaagad ang iisipin niyo." seryosong saad ni Daddy. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kyle. "Sigurado na po ako, Sir sa anak niyo. Mahal ko po ang anak niyo at hinding - hindi ako makikipag-divorce sa kaniya." sagot ni Kyle habang nakatingin sakin. Palihim akong napangiti sa sinabi ni Kyle kay Dad. Muntikan na akong kiligin rito sa kinauupuan ko. Huwag kang magpahalata, Candy. Kaharap mo ang Daddy at Mommy mo. Saway ko sa sarili ko. "How about you, Candy? Sigurado ka na sa des