Candy's POV GABING-gabi na pero binuhos ko ang sarili sa paglalaba. Yung gustong-gusto kong magkusot ng damit kahit may machine naman. Gusto ko lang aliwin ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit sa dinami - rami kong puwede ialiw sa sarili ko. Bakit yung paglalaba pa ang napili ko. Baliw na yata ako. Kanina ko pa iniisip kung tatawagan ko si Karen para humingi ng sorry or hayaan ko na lang na lumipas ang gabi at bukas ko na lang kauusapin. Hindi naman ako inaantok kaya hinayaan ko na lang sarili ko na magkusot ng magkusot. Dala na rin siguro ito sa inis ko kay Kyle. Mga damit niya yung mga kinukusot ko. Mga briefs, shorts, sando at boxer. Baliw na yata ako, bakit ko ba tinititigan itong itim na boxer na ito? Hindi ko namalayang zonrox pala ang nakuha ko at naibuhos ko iyon lahat.

