That dinner was memorable. Masayang masaya sila Mommy and Tita Malice kay Snow dahil sa kadaldalan nito. Panay kausap nila dito habang si Davin naman ay nag lalambing sakin na tabi daw kami matulog mamaya. Ilang beses ko s'ya inirapan dahil sa ginagawa n'ya. Hindi ba s'ya nahihiya kay Mommy at Tita? Kung landiin n'ya ako ay grabe. Akala mo ba nag kabalikan na kami kahit hindi naman. May sarili kaming mundong dalawa habang sila naman ay panay si Snow ang kinakausap. Gusto ko sanang sapakin si Davin sa harapan nila dahil sa kamay nito na paulit ulit na hinihimas ang hita ko. Nang matapos ang dinner ay sabay sabay kaming umuwi sa Mansion. Tumawag pa si Davin kay Simon para sabihin na samin muna si Snow, talagang ginagamit pa ang bata para lang makatabi ako matulog. Panay kasi ang ungot n