RITHWELL PRYCE ARANDIA __ Para bang nakadikit na ang ngiti sa mga labi ko habang pabalik ako sa store. Kahahatid ko lang ng pagkain kay Klaire sa clinic. "Iba talaga pag inspired." Nakangiting napailing ako kay Lance bago kuhanin ang mga pagkain sa tray. Masaya ako sa tuwing nakikita ko si Klaire. Halos gabi-gabi kaming nagkikita. Minsan marami siyang ginagawa kaya hindi ko siya nakikita pero ayos lang dahil nakakausap ko naman siya sa text. Iniiwasan ko ring maging sobrang clingy. Alam ko busy siya and I respect that. Mas naging komportable akong magtrabaho dahil wala na akong kahit anong inaaral sa gabi. Nakakatulog na rin ako nang maayos. Hindi rin ako gaanong kinakabahan sa magiging resulta ng exam. Sa mga sumunod na araw, since the first day of the test, hinahatid at inusundo ako