Chapter Twenty Nine (Warning: Read at your own risk.) ALYSSA NANG MATAPOS ang halikan namin ni Arc sa sala, nagtungo na kami sa kusina dahil baka hinihintay na kami. Napansin ko ang gulat na reaction ni Erica noong makita si Arc. Siguro ay na-amaze siya dahil hindi niya ine-expect na ganito kakisig ang boyfriend ko. Kaya hindi ko na lamang pinansin ang mariing tingin niya kay Arc. Sana lang ay hindi niya type si Arc. Kilala ko naman si Erica, she's not flirty. Ako pa nga ang nagtuturo sa kanyang humarot kung minsan. Sana lang, hindi niya gamitin kay Arc ang mga tinuro ko noon. Magkakaroon talaga ng world war 3 kung sakali. Nang matapos kaming kumain, nagkwentuhan muna kami saglit saka nagpaalam naman si Arc. Lumabas na siya kaya malungkot kong binalingan ang likuran niya. Biglang