Epilogue "PAPA! SI KUYA OH," umiiyak na sumbong sa akin ni Alyssandra saka umupo sa hita ko. "Huwag mong asarin ang kapatid mo Marco," "Hindi ko naman po siya inaasar papa, siya nga po itong nanggugulo eh," "Hinde! Inaaway mo ako!" Sigaw ni Alyssandra. "Hindi magandang tingnan na pinapaiyak ng kuya ang nakababata nitong kapatid anak. Kaya magbati na kayo," kako at ilang sandali pa ay lumabas galing kusina ang misis ko. "Bakit umiiyak ang prinsesa ko? Inasar mo na naman ba siya kuya?" Aniya saka hinalikan sa noo ang prinsesa namin. "Tahan na anak," dagdag niya saka binuhat ang anak namin. Masaya ko silang pinanood. Sa walong taong pagsasama namin ni Alyssa ay napuno ng kasiyahan at pagmamahalan ang bawat sulok ng aming tahanan. Hindi naman maiiwasan ang tampuhan ngunit nasa sa iny
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books