Chapter Forty Four ALYSSA "MAHAL…" wika ko saka tumitig sa kanyang mga mata. "Bakit mahal? Masakit ba ang tiyan mo? Sabihin mo kung anong masakit sa'yo," "Walang masakit sa akin mahal. Gusto ko lang tanungin kung posible kayang nagdadalang tao ako?" "A-ano?! Nagdadalang tao ka na mahal?! Totoo ba yan?" "Tumigil ka nga, tinatanong pa lang kita mahal. Kailangan ko pa ng pregnancy test," Ngumiti siya saka ako niyakap nang mahigpit. Hinalikan niya ako nang mapusok at dinampihan ng halik ang aking noo. "Hindi na kailangan mahal. Kaya naman pala madalas mo akong sungitan nitong mga nakaraang araw," "K-kung gano'n, totoo nga?" "Oo, maraming salamat mahal ko," aniya saka lumuhod at hinalikan ang tiyan ko. Lumundag muli ang puso ko sa ginawa niya. Napasigaw ako nang bigla niya akong bin