Naging matalim ang mata ni Black Dragon. Alam niyang hindi si Beneto ang utak ng lahat. Sa apat na taong kasama ito kilala niya na ito. Mahina ang loob nito pero kung may backer siya na mataas doon lang ito nagiging matapang. "Kung sino ka mang anay sa ahensya ng kapulisan. Humanda ka sa akin!" Maigting na wika ni Dante/Black Dragon. Naging masaya ang pagtatapos ng kasiyahang iyon kahit kapansin pansin ang pagka-aligaga ng kasintahan. Napuno ng saya ang buong puso niya lalo na habang nagsasayaw sila ng kasintahan. Matuling lumipas ang dalawang buwan at dumating na rin ang araw na pinakahihintay ni Haidee. Ang araw ng kanilang kasal. Napakaganda niya sa suot na gown. Napakasimple ang tabas pero bumagay sa kaniya at naging elegante ito. Lahat ng mga kasamahan ay naroroon sa lugar kung
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books