Nanunudyo ang mga ito sa kanila ng lalaki. Kaya sumenyas din siya sa mga ito na bigla namang kinalingon ni Direck sa kinaroroonan ng dalawa saka bumaling sa kanya dahil doon ay nagmamadaling umalis ang mga kambal kasunod ng mga hagikgik ng mga ito. "What's that for?" biglang narinig na tanong ni Direck sa kanya. "Nothing? For girls only," aniya sa lalaki. Mukhang naghihinala itong siya ang pinag-uusapan nila. "You better rest also, alam kong pagod ka. The guest room is ready," anito sa kanya. Naglakad ito papasok sa isang pintuan. Hindi niya alam kung kusina ba iyon o anuman. Wala na siyang nagawa kundi pumanhik na rin sa itaas at hanapin ang kuwartong tinutukoy ng lalaki. "Lalaking ito, alam ko ba ang guest room na sinasabi niya," turan sa isipan. Apat ang kuwarto doon. Halata ang