Isang kamay ang nagpapitlag sa kanya, si Direck na noon ay nakatingin sa kanya. Marahil ay napansin nito ang pagpitlag niya kaya agad siya nitong tinanong. "Are you okay?" anito. "Yeah," agad namang tugon kahit medyo kinakabahan. "Let seat. Tayo na lang hinihintay," anito sabay upo sa kanyang tabi. Nahihiyang umupo na siya dahil nakatingin na lahat ang mga ito sa kanya. Buti na lamang at maong pants ang isinuot niya para hindi siya masyadong maasiwa sa lalaking ngayon ay harapang nakatitig sa kanya. "Okay, parents, are you ready? Paunahan pong makaubos ng apple na hawak ng inyong mga kids," anang ng titser na nag-facilitate ng games saka nagbilang bilang paghahanda. Lahat ay nasa likod ang mga kamay nila at hawak na ni Droves and tali ng apple, nasa mata ng bata ang kagustuhang mana