Biglang na-conscious si Haidee ng sa gilid ng mata ay makitang nakatitig sa kaniya si Direck. Tila matutunaw ang puso niya sa klase ng titig nito kaya hindi siya mapakali lalo na't nasa loob sila ng silid nito. "Daddy. I'm hungry!" Angal ni Drove na noon ay nakatayo na. Bigla siyang naginhawaan at pasimpleng nagpasalamat dahil nawala sa kanya ang tingin ng lalaki. "Okay. Lets go down." Aniya sa mga anak. Karga niya si Dale habang si Haidee naman ang kay Dean. Kasunod naman si Drove. "Daddy. I want pancake," ungot ni Drove habang pababa sila ng hagdan. Nang biglang bulabugin sila ng palakpak. Mabilis nilang nilingon ang pinanggalingan noon at galing sa isang babae. "Sheena? What are you doing here? Bakit ka nakapasok?," sunod-sunod na tanong ni Direck sa babae. "Kilala ako ng security

