PAGKARATING ni Haidee sa Manila ay agad siyang nagpaalam kay Direck na mag-o-off. Sakatunayan ay kailangang kailangan siya ng grupo nila para kay Sundee. "No. N-O!" Malakas na tinig iyon ni Direck kay Haidee. "Please. Kailangan lang nila ako.." giit sa lalaki. Hindi na siya nagkaila dito tutal ay alam naman na nito ang pagkatao. "Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mooo!" Gigil sa sabad ni Direck sa babaeng nasa harapan. "This is my work. Look! Buhay ng kaibigan at kasamahan ko ang nakasasalay dito. If I were in her case ganito rin ang gagawin nila," paliwanag pa rito. Naiinis na siya dahil bakit kailangan pa niyang magpakiwanag dito eh hindi niya naman ito boyfriend o asawa. "I know! Kaya nga ayaw kitang payagan eh. Napakadilikado at at...at..." hindi niya maituloy tuloy na sabihin. "a