Napamaang si Direck sa naririnig mula kay Haidee at sa kausap nito. Hindi niya lubos akalaing napakadilekado ang trabahong sinuong nito at base sa narinig ay alam niyang malalaking tao ang kanilang kinakalaban at sa narinig na pangalan ay kilala niya ang taong binanggit nito. "Okay, thank you, Angelic. Any news about Sundee?" tanong pa ni Haidee sa kasamahan nila. Hanggang sa marinig niyang napamura ang kasamahan sa kabilang linya kasunod ng mga kaluskos mula sa background nito. "Hey! Are you okay?" nag-aalalang tanong sa kasamahang si Angelic sa kabilang linya pero walang sagot buhat rito bagkus hingal lang nito na sapantaha niya ay natakbo ito. "Angelic?" usal niya, ngunit wala pa ring tugon buhat dito hanggang sa impit nitong hiyaw na parang magpumusal sa mga bibig nito. "Ssshhh!"