CHAPTER 13

1397 Words

***CORINNE’s POV*** Pagpasok ko sa ibinigay sa aking kuwarto sa isa sa mga villa ng Salva Crest Guest House ay itinumba ko agad-agad ang aking katawan. Madaling napawi ang aking pagod nang dumampi ang aking likod ang napakalambot na kama. ‘Di nga lang nagtagal, may kumatok sa pinto. "Miss Corinne," ani Tyson na siya palang may kagagawan, "pinapatawag po kayo ni Boss. Mag-almusal muna kayo bago magpahinga." Nadismaya ako sa narinig. Biglang naglaho ang aking excitement na humilata maghapon, napalitan ng pagkayamot. Mas gusto ko kasi talaga sanang matulog na lang kaysa kumain dahil hindi naman ako gutom. “Sige, lalabas na,” napilitan kong sagot kay Tyson. Bumangon ako’t inayos ang aking sarili. Ginusto ko rin sanang magbihis ng damit, pero napangiwi ako nang maisip kong wala pala akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD