Maagang nagsipaghanda sina Althea, Joe, Zeus at Kikay para sa kanilang biyahe patungong Romblon. Habang ang mga magulang naman ay panay ang bilin sa kanila. Ang kanilang Papa ay panay ang pagbabanta sa dalawang lalaki kaya paglulan pa lamang nila ni Althea sa sasakyan ay agad siyang kinulit nito. "Tell me, kayo na ba ni Zeus?" bulong nito. Ngumiti lang siya dito ngunit hindi nasagot. Nakiusap kasi sa magulang na ilihim na muna sa mga ito ang plano nila hangga't hindi pa nakakasunod ang magulang ni Zeus. Tiyak kasing matutuwa ang mga ito kung sila rin ang magkatuluyan dahil bukod sa magkakambal sila ay magkakaibigan din ang mapapangasawa nila. "Tamo! Kinakausap tapos ngingitian lang ako. Sige na, kayo na, ano?" muling diga nito. "Secret," bulong niya rito na kinahalukipkip nito. Bagay n