"Tigilan niyo na siya, mukhang namumula na siya, oh," agaw ng lalaking nasa kabisera ng mesa. Iyon ay ang Papa nila Kikay at Althea. Hindi tuloy alam kung matutuwa sa pagsuway nito dahil mukhang maging ito ay pinaparinggan din siya. "Kain ka lamang, hijo. Huwag kang mahihiya, saan nga pala kayo naglalago nitong si Kikay?" tanong naman ng ginang. Doon ay medyo lumuwag ang dibdib. "Sa hotel po kami tumuloy, Tita," tugon dito. "Siguro ay mas mainam na dumito na muna itong si Kikay upang makasama naman namin siya. Hindi ko talaga inaasahan ito, buong akala namin ay hindi na namin makikita si Athena," ani ng ginang na ang kanina ay puno ng tudyuan na hapag-kainan ay napapalitan ng malungkot na atmospera. Sa tanong niyang iyon ay binalik kay Kikay ang tingin. Tanging ito lang naman ang ma