Gusto man sanang mainis ni Zeus sa babae pero ayaw niyang isipin nitong panalo ito dahil naapektuhan siya sa pang-iinis nito.
Kaya imbes na mainis ay napangiti na na lamang siya saka pinulot ang natapong kanin sa kaniyang kandungan at sinubo iyon.
Napamaang na lamang si Kikay nang makitang hindi man lang nainis ang lalaki sa kaniyang ginawa. Bagkus ay nakita pang sinubo nito ang mga kaninang tumilapon sa kaniya na tila sarap na sarap pa.
"Ano, hijo? Nagustuhan mo ba ang luto ko?" agaw-pansin ng kaniyang ama rito na kababalik mula sa sala kung saan tinawag ng ina.
Doon ay nakitang bumaling si Zeus sa ama. Mas lalong nainis nang makitang matamis ang ngiting binigay nito sa ama. "Opo, Tito. Lalo na itong sinangag mo," nito sabay pulot pa ng ilang kanin na naipon sa kandungan sanhi ng pagkakatapon dito.
Tumawa ang ama na tila tuwang-tuwa sa sinabi ng boss dito.
"Mabuti kung nasarapan ka, diyan ko kasi napasagot ang Tita Lumen mo," hagikgik na turan ng ama.
Naiiling na lamang si Kikay nang marinig ang sinabi ng ama. Maging siya ay alam na alam na niya ang kuwentong iyon ng kaniyang mga magulang.
"Napangiti pa lalo si Zeus nang marinig ang sinabing iyon ng ama ni Kikay. Mukha kasing lumiwanag lalo ang mukha nito sa pagkakasabi noon. Tila ba muling nanariwa dito ang pagmamahal para sa asawa.
"At ano na namang pinagsasabi mong matanda ka," biglang singit ng ina sa pagitan nilang tatlo.
"Lumen naman," angil ng ama sa ina.
"Anong Lumen naman, bakit mukhang dinig ko yatang ako ang usapan ninyo?" maang ng ama.
"Naku, darling. Kinukuwento ko lang naman dito sa amo ng anak natin na na-in love ka sa akin dahil sa aking masarap na sinangag," ani ng ama ng biglang batukan ng ina. "Darling naman," muling maktol ng ama sa ginawa ng ina.
"Anong darling naman, ikaw na matanda ka. Kung anu-anong kinukuwento mo!" gagad ng ina.
"Hindi ba't totoo naman?" mabilis na tugon ng ama. Nang akma na namang babatukan ng ina pero mabilis itong umilag.
Naiiling na lamang si Kikay. Hindi alam kung bakit mukhang tinatanggi pa ng ina ang tungkol doon samantalang ito naman ang palaging nagkukuwento noon sa kaniya. Imbes kasi na kuwentuhan siya nito ng tungkol kila unggoy at pagong noong bata siya ay ang love story nila ng ama ang palagi nitong kinukwento. Kahit nga yata nakapikit siya ay kaya niyang ikwento mula umpisa hanggang katapusan.
"Nasagot ka pang matanda ka! Ibig mong sabihin ay patay na patay ako sa'yo, ganoon?!" inis na turan ina.
Muling nailing si Kikay. Kaya pala ganoon na lamang ang reaksyon ng ina ay dahil ayaw nitong magmukhang siya ang naghabol sa ama dahil lang sa sinangag nito.
"Darling naman, wala akong sinabing ganiyan. Ang sabi ko ay nakuha kita dahil sa sarap ng aking sinangag," giit ng ama.
"Ewan ko sa'yo, kumain ka na nga lang!" basag na turan ng ina sabay pasak ng ina ng kinamay nitong kanin.
Walang nagawa ang ama kundi lunukin na lamang kahit pa halos mabulunan.
Nakitang nakamaang lamang ang boss sa mga magulang at tila nababaghan sa mga nakikitang lambingan este bangayan ng mga magulang.
"Ganiyan talaga sila maglambingan," mahinang bulong dito at doon ay bumaling ang tingin sa kaniya. Bigla tuloy ay hindi alam ang gagawin ng makitang mabaling sa kaniya ang tingin nito.
Kakaiba ang titig ng boss, hindi alam kung bakit pero iba ang pakiramdam sa pagsugpong ng kanilang mga paningin. Ilang segundo silang ganoon nang makabawi ay agad na tumikhim. Tila naman nahimasmasan ito at ito na mismo ang unang nagbawi ng tingin.
"Kanin," alok ni Zeus kay Kikay. Ramdam niyang nailang si Kikay sa titig niya rito. Hindi niya rin inaasahang mapapatitig siya rito. Napakagands kasi nito kahit wala itong kulerete sa mukha.
"Ahemmm?" tikhim ni Kikay nang muling mapatulala ang boss sa kaniyang harapan. Gustuhin mang tumawa pero hindi magawa dahil maging siya ay tila iba ang pakiramdam habang katabi ang amo sa hapag. Lalo pa at panay ang titig nito sa kaniya.
'Ano bossing, in love ka na sa akin noh? Ganda ko kasi,' aniya sa isipan na tila nagbubunyi sa palagiang pagkakatulala ng lalaki sa kaniya.
Hindi alam ni Kikay na maging siya ay nakangiting nakatulala sa boss nang biglang untagin siya ng kaniyang ina. "Laway mo, anak. Malapit nang tumulo," anito dahilan upang agad na mapahaplos sa kaniyang labi.
Hindi maiwasang mapangiti si Zeus sa ginawa ni Kikay. Alam niya kasing binibiro lamang ito ng ina dahil makailang ulit nitong tinawag ngunit hindi ito natitinag at nakamaang na nakatingin sa kaniya.
"Inay naman," angil ni Kikay. Mukha tuloy siyang napaghahalataang nakatulala sa kaguwapuhan ng amo. 'So, inaamin mong guwapo siya,' ani ng isipan.
"Kanina pa kita tinatawag na bilisan mo upang matulungan mo akong magbalot ng kakanin," turan ng ina. "Bakit ba nakatulala ka diyan?" dagdag na tanong pa nito.
Nalito siya kung ano ang isasagot. Alangan namang sabihin ang totoo na naguguwapuhan siya sa boss. "Ha?! Ah-hmmm? May iniisip lang ako, Inay," pagsisinungaling dito saka bahagyang sumilip sa kinaroroonan ng boss.
Nakitang nagsisimula na itong sumubo. Saka binalik sa ina ang tingin at masusi siya nitong inoobserbahan. Marahil ay nakita nito ang panakaw niyang tingin sa amo kaya napangiti na lamang siya.
Mapanghinala ang bawat tingin ng ina sa kaniya. Marahil ay nahahalata nitong crush niya ang boss. Sabagay, kilalang-kilala na siya nito. Kaya noong bata siya kapag nangungupit siya ng pera nito ay hindi pa man siya nakakalabas ng bahay nila upang ibili ang kinupit na limang piso sa pitaka nito ay alam na niya.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang bawiin nito ang tingin sa kaniya. "Bilisan mo diyan, Karyo upang makapaghanda na tayo ng mga dadalhin nitong si Kikay," saad ng ina.
"Inay, kahit naman konti lang," awat sa ina.
"Hindi, anak. Baka magutom ka doon," giit ng ina.
Hindi na siya tumugon pa. Alam niyang ganoon talaga ang ina at ramdam na tila doon na lamang nito binabaling ang atensyon upang hindi masyadong isipin na aalis siya at sasama sa boss upang alamin ang tunay niyang katauhan o mas tamang sabihin na, alamin ang tunay niyang magulang.
Kitang tumayo na ang ina hawak ang plato nito. "Oh, tapos ka na ba, darling? Halos hindi ka nakakain ah? Dinamihan ko pa naman ng bawang ito dahil gustong-gusto mo?" awat pa ng ama sa ina.
Hindi tumugon ang ina na nag-iwas ng tingin ngunit hindi nakawala sa matatalas na tingin ni Kikay. Kita niya ang pagsungaw ng luha nito. Siya man ay nalungkot sa nakitang kalungkutan sa mukha ng ina pero kailangan niyang tuklasin ang misteryo ng kaniyang pagkatao, kung bakit siya may dalawang kamukha. Doon ay magiging buo siyang muli.
Sa totoo lang, mula noong malaman ang tungkol sa mga kamukha niya ay maging siya ay nabagabag. Bigla ay tila naging puzzle ang buhay niya na may isang pirasong nawawala.
"Pagpasensiyahan niyo na ang Inay niyo. Masyadong emosyonal," ani ng ama nang makaalis sa hapag ang ina. "Basta Kikay, isipin mong mahal na mahal ka namin ng Inay Lumen mo. Anuman ang mangyari sa pupuntahan niyo ay nandito lamang kami," turan ng ama bagay na hindi niya napigilang maluha. "Oh, bakit naiyak na rin?" maang ng ama na pinipigil nitong maiyak.
"Ikaw kasi Itay eh," maktol dito.
"Anong ako?" maang naman nito na pinipilit mapangiti sa kabila ng pamumula ng mata.
Ramdam ni Zeus ang lungkot para sa mga magulang ni Kikay. May guilt na naramdaman dahil sa kaniya ay nagulo ang masayang pamilya nito.
"Ahemmm?!" tikhim upang pukawin ang pansin ng mag-ama.
"Naku, hijo. Pasensiya ka na, naging madrama tuloy ang pagkain mo sa sinangag ko. Sige lang, kain ka," alok pa ng ama ni Kikay.
"Salamat po, busog na po ako," tugon dito. Sa totoo ay masarap nga ang sinangag nito, bagay sa pritong tinapa na may kamatis at toyo.
"Totoo ba iyan?" diga nitong tanong.
Ngumiti siya rito. "Opo, Tito," agad na segunda na kinatawa na nito.
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Pero huwag kang ma-i-in love sa akin," hirit nito.
Halos maibuga ni Kikay sa kaning sinubo nang marinig ang huling hirit ng ama sa amo. Dahil sa pagpigil ay nabulunan naman siya dahilan upang halos hindi makahinga.
Nabigla si Zeus nang makitang nanlalaki ang mata ni Kikay. Lalo na noong tila napahawak ito sa dibdib. Nakitang maging ang ama nito ay nabigla sa reaksyon ng anak. Agad nitong tinapik ang likod ni Kikay ngunit tila walang nangyayari kaya agad siyang tumayo at puwesto sa likuran ng kinauupuan ni Kikay upang itayo ito at gawin ang Heimlich maneuver.
Dahil sa pagkataranta dahil namumutla na si Kikay hindi niya tantiya ang bawat galaw at bahagyang nabundol ang dibdib ni Kikay. Bilang doktor ay pamilyar na siya sa human anatomy ngunit hindi alam kung bakit kay Kikay ay tila may malisya ang lahat. Hindi tuloy maiwasang maalala nang makita ang buong likod nito sa video chat nila noon na hindi napatay ng babae.
Ngunit bago pa kung saan makarating ang isipan ay narinig niya ang pag-ubo ni Kikay.
Tila naginhawaan si Kikay nang tuluyang maibuga ang kaning bumara sa kaniyang lalamunan. Nang tignan ang harapan ay nagulat siya nang makita ang amang puno ng kanin ang buong katawan. Gustuhin mang matawa sa hitsura nito pero nagpigil dahil kasalanan niya kung bakit puro kanin ito.
Mas lalong nagilalas nang maramdaman ang paggalaw ng kamay sa dibdib at bahagyang napahaplos sa kaniyang dibdib. Doon niya napagtantong nakayakap pala ang boss sa kaniya buhat sa kaniyang likuran.
"Are you okay?" baritonong tinig ng boss na noon ay kumalas na.
Natitigilan pa rin siya. "Y-yeah," aniya na lamang ngunit ramdam na ramdam niya ang kuryenteng gumapang sa buo niyang katawan sa bahagyang pagdampi ng palad nito sa kaniyang dibdib. Hindi lang iyon, ramdam din kasi ang pagbundol ng kung ano sa kaniyang puwetan.
'Pilya ka, Kikay. Tinulungan ka na, pinagnanasahan mo pa!' aniya sa isipan na nagpangiti sa kaniya.