"Kathhh," ulit na anas ni Zeus sa kaniya.
"Bakit po, boss?" aniya sa pagkataranta ng natauhan. Mukha kasing may takot na sa boses ng amo. Hindi na siya nagdalawang isip pa at pumasok na. 'Bahala na si Superman,' aniya sa isipan.
Pagpasok ay nakita ang namumutlang mukha ni Zeus. Hawak pa rin nito ang hinubad na damit at nang tignan ang tinitignan nito ay nakitang may maliit na butiki na nakapulupot sa likod ng pintuhan malapit sa sabitan.
Napangiti siya at lumapit doon. Akmang hahawakan ang buntot ng butiki ng hablutin siya nito. "What do you think you're going to do?" maang na turan sa pagkataranta.
"Ayyyy!" tili ni Kikay sa pagkahablot sa kaniya. "Kukunin ko lang siya," aniya sabay turo sa butiki. Ngunit hindi naman niya akalaing dahil lang sa butiki ay darating sila sa kakatwang aktuwasyon. Kung kanina ay nasa labas lang siya ng banyo. Ngayon heto na sila at halos yakap siya nito.
Mukhang napagtanto rin ni Zeus ang kanilang posisyon at naramdaman niya ang unti-unting pagluwag ng pagkakahawak nito sa kaniya. Ngunit ang hindi namalayan ay ang pagbaba ng mukha nito sa kaniyang mukha. 'Oh my gosh! Lasang tinola pa yata ang aking lips,' hiyaw ng kaniyang isipan nang piglang bumukas ang pintuhan ng banyo at niluwa noon ang nakakasilaw na ilaw.
"Anong nangyayari rito?" tinig ng ama dahil hindi ito nakita gawa ng nakakasilaw na gaserang hawak.
"Itay!" gulat na sagot dito.
"Ikaw, Kikay. Bakit nandito ka sa loob at bakit, nakahubo ito?" turo nito kay Zeus na noon ay mabilis na sinuot pabalik ang pantalong.
"Itay, wala po kaming ginagawang masama," maang sa ama.
"Anong walang ginagawang masama. Magkadikit kayo, hubad itong lalaking ito tapos sasabihin mong wala kayong ginagawang masama. Ano sa tingin mo, tanga ako at isiping nagpipitik-bulag kayo rito?!" malakas na tinig ng ama.
"Hindi, naghuhuli lang ng butiki," sabad ni Kikay na agad naman siyang binatukan ng ama. "Aray po, Itay," angal pa.
"Ikaw na bata ka, hindi ka namin pinalaking gawing parausan lang ng lalaking ito," duro pa ng ama kay Zeus na hindi makaimik sa pinagsasabi ng itay niya.
"Itay! Grabe kayo makapagsalita kay Sir Zeus. Wala nga kaming ginagawang masama. Hinuhuli ko lang iyong butiki sa may pintuhan," giit niya. Muli siyang binatukan ng ama. "Aray ko Itay naman eh."
"Ano bang nangyayari rito ha, Karyo?" tinig naman ng ina niya. Lumabas na ang ama at lumabas na rin sila.
"Pagsabihan mo iyang anak mo. Nakapunta lang ng Amerika marunong nang kumaringking," saad ng ama.
"Hala, grabe ka, Itay. 'Di ako ganoon noh, Inay. Promise naghuhuli lang ako ng butiki," giit pa rin.
"Ako ba Kikay ay pinagloloko mo?" saad ng seryosong mukha ng ina.
"Hindi po Inay, totoo po iyon na naghuhuli lang ako ng buti—" Uulitin pa sana nang makitang tumaas ang kamay ng ina.
"Sige, ulitin mo pa at mapapalo kita sa pwet. Siya, bumalik na tayo sa bahay. Hayaan mo na ang Tatay mo ang maghuli ng butiki," saad ng ina. "Este magbanta sa boss mo tutal ay pareho silang may butiki," saad ng ina na natatawa.
Bahagyang natawa si Kikay sa biro ng ina. "Sige, tumawa ka pa. Hindi ako nagbibiro," banta ng ina. Wala na siyang nagawa kundi ang iwan si Zeus at hayaang ang ama ang magbantay rito.
Narinig pa niya ang sinabi ng ama rito.
Napangiti si Zeus. Dahil lang sa butiki ay inakala ng magulang ni Kikay na may ginagawa na silang masama. Mas lalo na nang mangatwiran pa si Kikay, tila batang pinapagalitan ng magulang nito. He likes their simple life yet happy.
"Ikaw, bakit ka nakangiti? Aba'y pinagtatawanan mo ba kami?" gagad nito sa kaniya.
"Naku! Hindi po," agad na sagot sa ama ni Kikay.
"Okay, pumasok ka na at maliligo ka ba? Kung may butiki. Tawagin mo ako at ako ang huhuli," anito na nakangisi. Mabilis siyang pumasok. Mabuti at mas malakas ang gaserang hawak nito na sinabit sa gilid ng banyo. Mabilis na nagtabo at binuhos sa katawan. Matagal-tagal din mula nang naranasan niyang maligo gamit ang tabo. Malamig ang tubig, mabuti na rin iyon para malamigan ang kaniyang katawan.
Nang matapos ay mabilis na sinuot nag hinubad na damit. Sa silid na siya magpapalit. Paglabas ay makitang naghihintay ang Tatay ni Kikay na si Mang Karyo. Agad na tumayo ito nang makita siyang lumabas. Kinuha sa kaniya ang gasera at pinauna siyang maglakad. Nakailang hakbang siya nang marinig niya itong magsalita.
"May gusto ka ba sa anak namin?" tinig nito. Napahinto siya at hinintay na sumunod ito. Kinabahan siya dahil mukhang seryoso na ito. "Lalaki rin ako at ramdam ko kung papaano mo titigan si Kikay," dagdag nito. Mukhang nasukol na nga siya nito.
"Po?!" aniya at hindi makaapuhap ang salitang bibigkasin.
Ilang saglit ay naramdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa balikat niya. Maliit na tao ang Tatay ni Kikay pero pinilit nitong idantay ang kamay sa balikat niya. "Usapang lalaki sa lalaki. Hindi naman sa ayaw ko sa'yo, ayaw ko lang masaktan ang anak namin lalo na sa pagdating sa pag-ibig," anito at naiintindihan iyon.
Hindi pa rin nakaimik si Zeus. Hindi alam kung papaano magre-react. "Hindi ko naman po siya sasaktan," maya-maya ay nanulas sa kaniyang bibig.
Tinapik-tapik siya nito. "Mabuti kung gayon, mabuti na iyong nagkakaibtindihan tayo," saad nito saka siya inakay nito pabalik sa kubo nila. Pagpasok ay nakitang naroroon sa sana si Kikay. Bakas sa mukha ang pag-aalala. Tumingin ito ng deretso sa kaniya.
"Okay ka lang ba?" tanong nito.
Ngumiti lamang si Zeus. "Oo naman," sagot ni Zeus.
"Hindi ka ba pinagalitan ni Itay," bulong ni Kikay pero sa lakas noon ay tinig ng itay nito.
"Hindi ko siya pinagalitan. Pinagsabihan ko lang, next time kapag may butiki tawagin ako at ako ang sisentensya," turan ng ama.
Sa narinig ay nakitang napalunok ang boss kaya bahagyang napangiti.
"Itay talaga, oh, siya. Ikaw anak, mag-imis ka na rin at matulog sa kuwarto sa tabi ng Inang mo. Dito na ako sa sala kasi mamaya eh, palaka naman ang gumapang dito," litanya pa ng ama.
Umiling na lamang si Kikay at kinuha ang gasera sa ama at siya naman ang nagbanyo. Pagbalik ay wala na si Zeus, malamang ay pumasok na ito silid habang ang ama ay nasa kawayang upuan nila at nakahiga. Pumasok na siya sa silid at nakitang naghihilik na ang ina.
Napangiti siya ng palihim nang maalala ang hubad na katawan ni Zeus. Kinilig na ewan. Nagulat siya nang lumakas ang hilik ng ina kaya pinatagilid ito. Sabi kasi ng matatanda sa kanila na kapag malakas ang paghilik ng isang tao ay dapat ibahin ng posisyon ng pagkakahiga nito.
Nahiga siya sa tabi ng ina habang suot ang kamison para presko. Muli siyang napangiti nang maalala ang tagpo bago pumasok ang itay niya sa banyo. Nakaramdam pa siya nang panghihinayang dahil hindi natuloy ang paghalik ng lalaki sa kaniya. Muli siyang ngumiti at kinilig. Muling lumakas ang hilig ng ina at da pagkakataong iyon ay sa tapat pa ng tainga niya. "Si Inay talaga, parang nanadya pa," usal sa inang tulog na tulog.
Ilang minuto na siyang nakahiga at dilat pa rin ang diwa. Maharil ay dahil sa jetlag. Nang maya-maya ay nakarinig sila ng tahulan ng aso kasunod nang pagkanta ng tila lasing na lalaki.
"Pagkabigo't alinlangan, gumugulo sa isipan. Mga pagsubok lamang 'yan. Huwag mong itigil ang laban," lasing na kanta ng isang lalaki. Agad siyang napabangon. Narinig ang salita ng ama na nasa labas na ng kanilang kubo. Maging ang ina ay mukhang nagising sa ingay ng mga aso at pagkanta ng lalaki na hindi naman marunong kumanta.
"Ohhh, Tatay Karyo, nalaman kong dumating na si Kikay, my loves. Sabi pa nila ay may kasamang forenjer," pasuray-suray at lasing na tanong ng lalaki.
"Segundo, umuwi ka na muna saka ka bumalik bukas. Oo, nandito si Kikay kasama ng amo niya," malumanay na turan ng ama niya. Tumayo na si Kikay at papunta na sa labas kasama ng inang pupungas-pungas pa. Paglabas sa silid ay nakita si Zeus na nakatayo sa may pintuhan ng silid nito. Nagkatinginan sila nito. Bigla ay nahiya. Manipis ang kamison na suot niya at wala siyang bra. Humalukipkip siya ng pasimple upang maitago ang dibdib niya.
"Bakit ganoon Itay, sinabi ko pa doon sa amo niya noong nasa airport na bantayan niya si Kikay. Bakit bantay-salakay yata ang ginawa. Hek! Hek!" sagot pa ni Segundo.
"Matulog ka na muna. Mali ang tsismis na nakarating sa'yo. Halika at ihahatid kita sa inyo saka ka bumalik bukas. Mag-usap kayo ni Kikay," giit ng ama at inaakay si Segundo.
"Pero Tatay Karyo."
"Walang pero-pero basta bukas bumalik ka. Ako pa ang magsi-set ng date ninyo este usapan ninyo. Basta ang importante ay makatulog ka muna at mawala ang alak sa utak mo. Hindi ko papayagan na dalawin ng isang lasing na lalaki ang anak ko. Maliwanag ba?" matatas na turan ng ama niya.
Nakitang natahimik si Segundo. "Pasensiya na po Tatay Karyo," hinging paumanhin nito ng matauhan.
"Oh, siya, ihahatid na kita baka kung mapaano ka pa," ani ng ama at inihatid nga ang lasing na lalaki. Nang mawala si Segundo ay bumalik na ang ina sa silid dahil mukhang pagod sa pakikipagmadyong nito. Nagtinginan sila ni Zeus muli.
Nakitang bahagya itong ngumisi. Nainis siya dahil mukhang natatawa pa ito sa nangyari. "Nagseselos yata boyfriend mo," anito ng pabulong.
Awtomatikong tumaas ang kilay niya. "Hindi ko siya boyfriend," irap na turan dito. Nakitang natawa ito. Papatulan pa sana pero naunahan siya nito ng pagpasok nito sa silid. "Buwisit! 'Di ko nga siya boyfriend," inis na ulit niya saka pumasok na rin.
Hindi mapigilan ni Zeus ang mapangiti ng isara ang pintuhan. Halos umusok kasi ang ilong ni Kikay upang itanggi na hindi nito boyfriend si Segundo. Tatawagan sana niya ang kaibigang si Xian upang ipaalam dito na nakabalik na siya ng bansa kasama si Kikay. Ang babaeng kamukha ng PA nito pero ipagpapabukas na niya dahil baka mabulabog pa ang inay nito.
Nangingiting nakihaga sa kama at tumitig sa mga larawan ni Kikay. Madilim ang silid pero banaag pa rin niya ang nakangiting mukha nito na nasa side table niya. She look so innocent sa larawang iyon. Hindi niya namalayang nakikipagngitian na pala siya rito.