"Buwisit! Makikita mo!" ngitngit na bulong sa sarili ni Kikay sa inis sa boss saka nagmartsa papasok sa kapaparadang bus na sasakyan nila.
Natatawa na lamang na sumunod si Zeus kay Kikay. Kahit naka-maong pants at fitted shirt ay napakaseksi pa rin nitong tignan. Kakaiba ito sa lahat ng babaeng nakilala niya. Hindi niya tuloy maiwasang maalala ang kasinyahan o mas tamang sabihin na fiancèe ng kaniyang kaibigan.
Marahil kung lumaki rin si Kikay sa totoo nitong magulang ay tila wala ring pinagkaiba kay Althea. Batid kasi ang maraming pagkakatulad ni Kikay sa babaeng papakasalan ni Joe maliban estado ng buhay. Sosyal si Althea habang si Kikay naman ay jologs.
Napakunot ang noo si Kikay nang mapansing tila hindi nakasunod sa kaniya ang boss.
"Upo na! Upo na! Lalarga na tayo," ani ng konduktor kaya mabilis pa sa alas kuwatrong bumaba si Kikay.
"Ma'am, umupo na po kayo dahil aalis na po tayo," pigil ng konduktor.
"Kuya, tatawagin ko lang po ang kasama ko," paalam niya rito.
"Maka-kuya? Ilang taon na po ba kayo, Ate?" ganting wika nito. Tila ayaw pang patawag ng kuya ang konduktor.
"Twenty-five," aniya rito.
Napakunot-noo ito. "Bente kuwatro pa lamang ako, Ate," ani ng lalaki na nagpataas ng kilay niya. Parang ayaw pa nitong padehado sa edad.
"Sorry ha, totoy. Akala ko kaya kuwarenta ka na," balik pang-iinis dito na kinataas din nito ng kilay. Saka mabilis na bumaba ng bus. Doon ay nakitang nakatayo pa rin si Zeus sa pinag-iwanan.
"Oh, bakit ka bumaba?" maang nito nang makita siya. "Na-miss mo ako noh?!" tudyo nito.
"Asa! Bumaba lang ako kasi sa'yo ang bag ko!" Irap dito sabay kuha sa hawak nitong bag.
"Ako na ang magbibitbit," agap ding turan.
"Mukha naman po kasing wala kayong balak sumunod?" parinig dito na kinangiti pa nito. 'Herodes na ito, nang-aasar na nga ako. Nakangiti pa rin,' ani ng isip. 'Pero infairness, gumuguwapo siya kapag nakangiti,' ani naman ng kabilang isipan. Saka lihim na napangiti habang kinikilig.
"Oh, Ate akala ko ba ay bumaba kayo?" maang na wika ng konduktor.
"Oo kanina pero ngayon ay pabalik na ako," gagad rito na kinakamot nito. "Hindi na ba ako pwedeng bumalik? Bakit sa'yo ba ang bus?"
Mas lalong napakamot ang konduktor. "Ate naman, nagtatanong lang naman ako," anito.
"Bakit? Hindi ba't sinasagot lang din kita?!" dinig na katwiran ni Kikay sa konduktor. Mukhang pati konduktor ng bus ay hindi nakakaligtas sa kasutilan at katarayan ni Kikay.
Nang makita ni Kikay ang reaksyon ng patpating konduktor ay natawa siya. "Oy, huwag kang umiyak. Binibiro lang naman kita ah," diga pa rito.
"Ate naman eh," maktol nito nang biglang umusad ang bus at hindi pa sila nakakaupo. Hindi napaghandaan kaya napaatras siya at tila matutumba nang biglang may humapit sa kaniyang baywang.
"Careful," baritonong tinig ng kaniyang boss. Muling malugod ang puso nang makita ang guwapong mukha ng kaniyang night and shining armour.
"Hoy! Ate, upo na bago ka pa tuluyang masubsob," untag ng konduktor. Hindi niya namalayang muli siyang napatulala sa mukha ng boss.
Naiinis sa konduktor pero mas lalong naiinis sa sarili dahil mukhang nahahalata tuloy ng boss na may gusto siya rito. Dahil sa palagian nitong pagkakahuli na nakatitig siya rito.
"Oo na, bakit hindi ka na lang kaya pumunta doon," aniya rito sabay turo sa tabi ng drayber.
Pagkaupo bahagya siyang nakahinga ng maluwag. Maya-maya ay umupo rin si Zeus sa tabi niya. May dalawa o tatlong oras din silang biyahe at sa pagod sa maghapon ay nakaidlip agad si Kikay.
Nasa kalagitnaan na sila sa biyahe nang bahagyang marinig ang muntik hilik ni Kikay. Napangiti si Zeus. Mukhang napagod si Kikay sa pakikipagbangayan sa konduktor. May pagkakataon tuloy siyang mas lalong pag-aralan ang mukha nito.
Titig na titig siya sa mukha nito nang bahagyang lumalakas ang hilig nito kaya agad na tinapal ang palad sa bibig nito. Bahagya itong nagising sa ginawa ngiti hindi ito nagdilat ng mata. Muling lumalim ang tulog nito nang maya-maya ay maramdaman ang pagsandig ng ulo nito sa balikat.
Hinayaan na lamang niya ngunit nagsimula ulit ang mumunti nitong hilik.
Naalimpungatan si Kikay. Mukhang napahaba yata ang tulog niya ngunit nabaghan nang maamoy ang mabangong pabango at nang akmang gagalaw ay napansing nakasandig pala siya sa balikat ng boss.
Pinilit sinilip ang mukha boss ngunit maging ito ay tulog din yata. Napangiti siya ng matamis at napapangiting pinagmamasdan ang guwapong mukha nito. 'Hindi na lang yata kita crush, bossing. Mahal na rin kita,' aniya sa isipan.
Hindi namalayan ni Zeus na nakaidlip din pala siya. Masyado yata siyang nahawa kay Kikay sa himbing ng tulog nito hanggang sa maramdamang tila may mga matang nakatitig sa kaniya.
Didilat sana siya ng mga mata nang marinig ang pagbuntong-hininga ni Kikay habang nakatunghay sa kaniya.
Bahagyang kinusot ang mata nang maramdaman pagdantay ng ulo nitong muli sa balikat.
Nanlalaki ang mga mata ni Kikay sa gulat nang gumalaw ang lalaking pinagmamasdan. Napabalik tuloy siya sa pagkakasandig sa balikat nito at nagtulog-tulugan. Baka kasi isipin nitong pinagmamasdan niya ito.
Nangingiti na lamang si Zeus sa ginawang iyon ni Kikay. Sakto pang tumapat na ang konduktor sa kanila upang bayaran na ang ticket na binigay sa kanila. Sinabing sa loob na sila ng bus magbayad.
Sumenyas siya sa konduktor na si Kikay ang magbabayad.
Bahagyang tinapik ng konduktor si Kikay upang gisingin. Alam niyang gising na ito.
"Hmmmp!"
Muling tinapik ng konduktor.
Naramdaman ni Kikay ang pagtapik sa balikat. Medyo mabigat ang palad at may kagaspangan. May paghihinala sa isipan lalo pa at naramdaman muli ang pagtapik sa kaniya.
"Ano?!" aniyang gilalas kay Zeus nang makita ang nakangising konduktor habang nakitang tila tulog na tulog pa rin si Zeus.
"Ate, pamasahe niyo po?" anito na walang balak itikom ang nakangiti nitong mukha.
Muling bumaling kay Zeus. Saka sumenyas sa konduktor na ito ang singilin niya.
Napakamot ng ulo ang konduktor. "Ate, sabi niya kanina, kayo daw po ang magbabayad," anito na mas lalong kinakunot ng noo.
"Sabi niya?" maang na turan sabay turo sa mukha nito.
"Opo," ani ng konduktor.
'Ah, ako pala ang magbabayad ha?' aniya sa isipan hanggang sa mapangiti.
"Okay, saglit," aniya sa konduktor saka mabilis na kinapa ang bulsa nito. Agad namang nakapa ang wallet nito saka ingat na ingat na kinuha iyon sa bulsa ng amo.
Tila nag-iinit ang pakiramdam ni Zeus nang maramdaman ang paggapang ng palad ni Kikay sa kaniyang bulsa. Batid niya ang pakay nito. Natatawa pa nga siya nang masilip na sumenyas itong siya ang gisingin ng konduktor na magbayad.
Mabuti na lamang at mukhang kampi sa kaniya ito.
Nang mahawakan nito ang kaniyang wallet at bahagya siyang kumilos. Napatigil ito sa pagbunot ng kaniyang wallet. Muli nitong hinila iyon palabas ng bulsa at nang ganap na makuha ay nasilip ang pilyang ngiti sa labi nito saka mabilis na binuklat at kinuha ang isang libo.
"Keep the change," dinig pang turan ni Kikay. Laking pasasalamat naman ng konduktor sa sinabi nito.
Isasara na sana ni Kikay ang wallet ng lalaki ng makita ang larawan ng isang babae. Hindi tuloy niya maiwasang usisahin. Maganda ang babaeng nasa larawan. Tila isang artista.
Naalala ang ex-girlfriend ni Zeus na si Kikay. "Move on daw pero may larawan sa wallet. Hayaan, isaksak mo sa dibdib mo! Mas maganda naman ako sa kaniya," bulong na turan ni Kikay sa inis. Ngunit agad ring kinuha ang larawang halos ihagis sa mukha ni Zeus kanina.
Natatawa si Zeus mga salitang binubulong ni Kikay. Alam niyang nakita nito ang larawan ni Alexis. Naalalang hindi pa pala natatanggal ang larawan nito sa kaniyang wallet. Mula kasi nang dumating si Kikay sa buhay niya ay tila nawala na sa sistema si Alexis at napalitan na ng kakulitan at kakikayan ni Kikay.
Muling umayos si Kikay ng upo at sumandig sa kaniyang upuan nang maya-maya ay may mabigat na ulo na sumandig sa kaniyang balikat. Akmang itutulak sana ito pabalik sa likod ng upuan ni Zeus ngunit nagbago ang isip. Nanamnamin na lamang niya ang pakiramdam na para silang mag-asawa na nasa biyahe.
Nangingiti si Zeus. Sinusubukan niya lamang si Kikay pero mukhang hindi naman siya nito tinulak. Umuyos siya nang upo saka nilagay ang kamay sa likod ng upuan nito na tila ba nakaakbay kay Kikay. Hanggang unti-unting pinadausdos iyon pababa hanggang sa tuluyang maakbayan ito.
Nababaghan si Kikay sa kilos ng tulog na boss. Nakatitig siya sa mukha nito upang kumpirmahing hindi ito nagtutulog-tulugan.
Paglingon sa mukha nito ay siyang silip rin ito dahilan upang makumpirma na tama ang kaniyang hinala kanina pa. Agad niyang piningot ito. "Akala mo siguro hindi ko napapapansing kanina mo pa ako iniinis!" gilalas nito.
Huling-huli siya ni Kikay. Sisilipin sana ang reaksyon nito nang sakto namang nakatitig pala ito sa kaniya. Wala tuloy siyang kawala lalo at mabilis nitong kinuha ang isa niyang tanga.
"Ah-ahh-" putol niya nang mabilis itong pagbantahan. "Sige, umatungal ka at mas lalo kong hihigpitan ito," niya sa pagkakapingot nito.
"Pinaglololoko mo ba ako?" maang na turan dito.
"Hindi ah, ahhhhh-"
"Sige, umaray ka at mahihiwalay ang tainga mo," banta pa.
Nakitang napalunok nito. 'Takot ka rin naman pala, ako pa talaga ang pagti-trip-an mo! Hmmm, humanda ka,' aniya sa isipan. Kailangan niyang makaisip ng igaganti rito.
Hanggang sa matawa siya nang may maalala. 'Tignan natin,' aniya sa isipan sabay ngiti. May naisip na siyang magandang pangganti sa ginawa nito sa kaniya.