Chapter 62:

1839 Words

Lalong naging mapanukso ang mga kakambal ngunit saglit lamang iyon dahil nabaling naman ang pansin nila kay Panyang. "Anong real score sa inyo ng boss mo?" kindat pang tanong ni Althea rito. "Real score?" maang nito na napatingin sa kaniya. Hindi siya umimik. "Yes, real score," ulit ni Althea na nakaupo na sa kama at nakapalumbabang nagahihintay ng tugon buhat kay Panyang. Nakita niyang napaisip si Panyang. Napangiti siya dahil napapaisip pa ito. 'Parang exam lang noh,' natatawang turan sa sarili dahil iyon pa lamang ang tanong ni Althea ay halatang hirap na itong sumagot. "Hmmmm! Two-one," alanganing saad nito. Hindi tuloy niya naiwasang mapatawa sa sinabi nitong score. "Two-one? What do you mean?" naguguluhang sambit ng kakambal na si Althea dahil hindi nito ma-gets ang tugon ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD