Mukhang binata na nga talaga ang pamangkin at hindi na kasal-kasalan ang hinihirit nitong laro. "Sure," aniya pa matapos mag-thumbs up dito. "Thank you, uncle," masiglang wika ng bata na tila hindi na ito takot sa tiyuhin nito gaya noong bagong salta siya doon. Nakitang nabaling sa kaniya ang tingin ng bata. Hinihintay kung may sasabihin ito ngunit isang ngiti ang binigay lamang nito saka kaniya bago tinungo ang upuan nito sa tabi ng ina. "So, glad to see Jacob approach you. Actually, he starts getting mad at you with all your childish behaviour—" "Hey!" putol niya sa kapatid. Ayaw ba niyang marinig pa ang mga nangyari sa nakaraan. "That's true," giit ni Kelly sa kaniya. Sabagay, siya man noon ay nahalata ring medyo ilag ang pamangkin noon kahit gustong-gusto siya nitong makalaro. Dah