Gabi na nang makauwi ako. I stayed the whole day with my family in the cemetery. Nakatulog din ako ng ilang oras at paggising ko ay makulimlim na. I opened my phone and found a message from Cholo asking me how's my day which I replied with 'just fine'. Pagpasok pa lang ng sasakyan ko sa driveway ay nagtaka na ako. The lights outside are switched off and the car of Cholo is not properly parked. Parang inihinto lang nito ang makina at basta-bastang lumabas. Ni hindi nito naisarado ang pinto at iniwan lang na nakabuyangyang. Naiiling na nilapitan ko ang sasakyan para isarado ito nang maagaw ang pansin ko ng isang kumikislap na bagay na nahulog sa sahig ng kotse. Yumuko at pinulot ko ito bago tuluyang inilapat ang pinto ng sasakyan. Itinaas ko ang kwintas at nanlaki ang mga mata sa nakita.

