Flashback Ilang linggo rin kaming parang mga hayop na nakakulong sa loob ng malaking hawla. Hindi kami makalabas ng malawak na lupain dahil nakabantay ang mga armadong tauhan ni Ymir sa paligid nito. Nang minsang nagtangka akong pumuslit para makahanap ng tulong ay iniumang sa akin ng isang lalaki ang baril nito. Namumutla at nanginginig na wala na akong nagawa kundi bumalik sa bahay. Mabuti na lamang at kahit papaano ay may nakaimbak na pagkain sa loob. Hindi kami magugutom sa mga susunod pa na araw. Pero ang higit kong ipinagaalala ay ang kalagayan ni tatay. Wala akong balita kung ano na ba ang nangyari sa kaniya, kung nasaan ba siya at kung maayos ba siyang nakakakain. Miss na miss ko na ang ama. Mag-dadalawang buwan ko na rin siyang hindi nakita magmula noong bumalik ako sa Cerro R

