Flashback "Akala ko ikaw ang nagpapunta sa akin rito. Ang sabi kasi sa akin ni Mis-" Napahinto ako sa tangka pang pagsasalita nang batuhin ako ni Cholo nang isang tingin na nagsasabing tumahimik na ako. Tumayo ito sa kinauupuang kama at marahas na sinuklay ang buhok. Nagpakawala ito ng isang frustrated na hininga bago bumalik din sa kama at kinuha ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. Nakabihis na ito kaninang hablutin niya ako papasok sa silid. Agad na nagyuko ako ng ulo nang dumako na naman sa akin ang tingin niya. Noong una ay hindi ko pa alam kung ano ang kinasasadlakan kong problema hanggang sa higitin niya ako pabalik sa loob ng kwarto paalis sa harap ng hugpong ng mga tao na walang habas ang pagkuha ng mga larawan at pagtatanong ng mga bagay na wala akong kaide-ideya at ipi