Flashback "Karina! Karina!" Sunod sunod na katok ang nakapagpatayo sa akin mula sa pagkakasalampak sa basang sahig ng maliit na banyo. Kagagaling ko lang sa pagsusuka at umiikot pa ang paningin ko. Hinang-hina na pinahid ko ang laway at luha bago kumapit sa dingding para makatayo. Ilang buwan na rin mula ng lumipat ako ng bahay. Nanatili pa rin ako sa Sta. Barbara at naghanap ng mapagkakakitaan. Maselan ang pagbubuntis ko lalo na at nasa unang tatlong buwan pa lang ang bata pero wala akong mapagpipilian. Kailangan kong kumayod para makakain. Sa awa ng Diyos ay nakapasok naman ako sa isang karinderya bilang tagahugas ng pinggan. Mahirap. Napakahirap ang mabuhay sa araw-araw na walang katapusan ang pagod at lungkot pero kinakaya ko naman. Hahaplusin ko lang ang tiyan at magkakaroon na a

