Flashback "Ang guwapo talaga ng anak mo, Karina. Halatang banyaga ang ama. Ang ganda ng mata. Alam na ba ng ama niya na may anak siya? Aba! Humingi ka na ng sustento! Malaki ang palitan ng dolyar ngayon at sa mahabang panahon na wala siyang ambag, siguradong malaki na ang makokobra mo!" Hindi ko alam kung matutuwa o masasaktan sa sinabi ni Kristine kaya pinili ko na lang na ngumiti at hindi umimik. Ibinaling ko sa anak ang tingin na ngayon ay masayang nakikipaghabulan sa alagang askal ng kapitbahay. Mabilis na lumipas ang panahon. Hindi ko namalayan na sa loob ng mahigit dalawang taon ay magagawa kong palakihin at alagaan ang anak. Salat man sa pinansiyal na aspeto, sinisigurado ko naman na nabubusog ko ang anak sa pagmamahal. Naitaguyod ko naman siya nang maayos kahit na ba nagpapakaal

