"HINDI lang kayo mga hampas-lupa kundi magnanakaw pa! Alam n'yo ba kung kanino ang kuwentas na ito? Pag-aari ito ng mga Cohen!" sigaw ng basta na lamang sumipa kay Samantha at walang iba kundi asawa.
Maaring susunduin din nito ang kanilang anak. Ngunit sa kasamaang palad ay nagpang-abot silang lahat. Ang masaklap pa ay sinaktan siya sa harap ng maraming tao.
"Kahit hindi naging madali ang buhay ko sa labas ng aming tahanan hanggang sa nakilala kita ay hindi sumagi sa aking isipan na magnakaw. Kung paano man napunta sa akin ang kuwentas ay wala ka ng pakialam. Kaya't akin na iyan dahil sa aming mag-ina iyan!" ganti niyang sigaw.
'Hindi nila maaring malaman kung paano napasaakin ang kuwentas. Dahil kung totoo ang sinabi ni Peter Henrik na si Brigadier General Cohen ang may-ari ay baka madamay pa ito sa panghihiya sa akin ng hay*p na ito,' pipi niyang sambit.
"Paanong naging sa inyong mag-ina ang bagay na hindi n'yo kayang bilhin? Kasasabi ko lang na ang kuwentas na ito ay pag-aari ng mga Cohen. Ah, ang tanong, kilala mo ba ang pamilya nila? Nakapunta ka na ba sa kanilang tahanan? Simula nga naging palamunin ka ng mga Carlsen ay hindi ka na umalis sa lugar na ito. Paano mo nakadaupang palad ang kanilang pamilya? Huwag kang hangal, Samantha!" mapang-insulto nitong wika.
Ibubuka pa lamang niya ang labi upang depensahan sana ang sarili ay eksaktong lumapit ang principal ng paaralan na maaring tinawag ng nakasaksi sa nangyari.
"Magandang hapon sa inyong mag-asawa. Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Huwag n'yo sanang kalimutang nandito pa kayo sa school premises. At mas lalong huwag kayong manggulo rito dahil kung hindi ay tatawag ako ng police upang ipakulong kayo. Ngayon, kung ayaw ninyong gawin ko ang bagay na iyon ay sumunod kayo sa sinasabi ko," pahayag nito habang pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang nandoon.
"Mr Principal, bago ko susundin ang nais mo ay may gusto muna akong itanong sa iyo," taas-kilay na saad ni Edward. 
"Go ahead, Mr Carlsen. Feel free to ask me. Sasagot ako basta alam ko ang sagot." Tumatangong pagsang-ayon ng Principal.
Sa sulok ng kaniyang mga mata ay kitang-kita niya ang pagsilay ng makahulugang ngiti sa labi ng asawa niya at inakalang mabuti ang ugali. Ngunit isa pala itong empty promises.
Pero mas uminit ang bumbunan niya dahil muling sumabad ang babaeng wala na yatang magawa sa buhay.
"Mrs Carlsen, gusto mo bang mapahiya ang  pamilya ninyo nang dahil sa iyo? Ilang taon ka na bang nakatira sa tahanan ng mga Carlsen upang sabihing pag-aari ninyongcmag-ina ang kuwentas na iyan? Isipin mo na lang, kung sa inyo iyan ay nakita na sana ng lahat na suot-suot ng kahit isa sa inyo. Pero hindi eh. Kaya't huwag ka ng magsinungaling pa. Linisin mo ang pangalang pilit mong hinihila paibaba," maharot nitong sabi.
Tuloy!
Napaangat ang kilay niya! Kaso bago pa may makasagot sa tanong nito ay muling nagwika ang asawa.
"Ano'ng parusa ang nararapat sa mga magnanakaw regardless of their ages and statuses?" tanong ng asawa.
Kaso sa tanong nito ay nanahimik ang nakapaligid. Pero hindi naman niya inaasahan ang pagsalo ng kaniyang anak sa pagsagot.
"In our country, here in Denmark, the punishment for stealing typically involves a fine, especially for a first offense, with a minimum of 1,000 Danish kroner for shoplifting or selling stolen goods. Repeat offenses and more serious theft can lead to higher fines or imprisonment, with the possibility of up to 1.5 years in prison for shoplifting, or even longer for more serious theft. Recent laws have increased the consequences for petty crimes like shoplifting and bicycle theft.
But the question is, are you sure that we stole that necklace? Can you prove that it belong to someone else of Cohen family as you say so? Sir, don't  push us to the edge of crime that we never do. My mother is your ex-wife, but it doesn't mean that you have a right to insult, abuses and hurt us as you always do when we are still in your home. Maybe no one can stand and testify for me and my Mom, but GOD in heaven knows what's going on in this world. Now, give me back that item which belong to my father."
Ayon!
Buong-buo ang pagkasabi ng batang Cohen sa mga salitang binitawan.
Tuloy!
Hindi nila napansin ang paglapit ng dalawang nilalang sa kanilang kinaroroonan.
"MUKHANG hindi pa yata sapat ang kaguluhan sa kasal ni Sir BG, Your Highness," wika ng personal guard ni Crown Prince Erick.
"Bakit? I mean, paano nasabi iyan, Rowan?" Dahil wala naman siyang kaalam-alam sa nais nitong tukuyin ay sinagot niya ito ng tanong.
"Ah, diyan sa harapan ng school, Your Highness. Mukhang may pinagtulungan---"
Dahil sa tinuran nito ay hindi na niya pinatapos. Sa katunayan ay nag-iikot siya sa mga paaralan sa lugar ng asawa niya. Maaring nabibilang sila sa royal family subalit hindi naman nila nadadalaw ang buong bansa araw-araw. Kaya nga sinusulit niya ang pagkakataon sa tuwing nandoon siya.
"Ilapit mo ang sasakyan, Rowan. Bullying! Tama! Baka bina-bully nila ang sinasabi mong pinagtulungan," aniya.
"Masusunod, Your Highness," tugon nito saka nagmaniobra palapit sa harapan ng gate.
Hindi na rin sila nagsayang ng oras. Dahil halos hindi pa naka-parking ang sasakyan ay bumaba na silang dalawa at may pagmamadaling lumapit. Ipapaalam na nga sana nila ang kanilang presinsiya ngunit natigilan naman ng nagsalita ang batang kahit walang magsabi ay alam na alam nila kung sino ang ama.
Ang batang halos pitong taon na nilang hinahanap. 
'Wala kang karapatang saktan kaki ng paulit-ulit ni Mommy kagaya nang lagi mong ginagawa sa bahay n'yo. Dati mo po siyang asawa ngunit matagal na rin kaming umalis sa piling mo. Akin na po ang kuwentas ko dahil bigay po iyan ng Papa ko na pagkakilanlan ko sa kaniya,' wika nito.
'Bayaw na bestfriend, maaring nagkatuwaan lang kami noon sa pagbigay ng aphrodisiac sa iyo. Ngunit sa palagay ko ay mayayakap mo ako sa pagkakataong ito,' aniya sa isipan.
Then...
"Hindi ba kayo nahihiya na kahit dito sa harapan ng school ay nag-aaway-away kayo?" tanong ni Crown Prince Erick makalipas ng ilang sandaling pagninilay.
Kaso mas nainis naman siya dahil sa isinagot ng lalaking may hawak sa kuwentas.
"At sino ka naman upang makialam sa amin? Kung wala ka rin lang magawa sa iyong buhay ay maari ka ng umalis. Dahil tinuturuan ko lamang ang mga magnanakaw na mag-ina ng leksyon," saad nito.
Kaya naman!
Pasimple siyang tumingin sa personal guard. At sa isang iglap ay natumba ang lalaki o si Edward Carlsen. Dahil hindi inaasahan ang pagbagsak ay nabitawan ang hawak-hawak na kuwentas. Iyon naman ang sinamantala ni Peter Henrik.
"Akin po ito, Uncle Edward. Ilang beses na po naming sinabi ni Mommy na hindi namin ito ninakaw. Ikaw po ang basta sumulpot at tinulungan ang mga pilit kumukuha mula sa akin. Bigay po ito ng Papa ko kay Mommy." Mabilis nitong hinarap ang hindi nakikilalang tiyuhin o ang matalik na kaibigan ng ama.
"Sir, hindi ko man po kayo kilala pero maraming salamat po. Dahil kung hindi po kayo dumating ay baka tinangay na po ni Uncle Edward ang pagkakilanlan ko kay Papa. Thank you, po ulit," wika nito.
"Little boy, maaring makausap ko kayo ng Mama mo? Pero mamaya saglit dahil kakausapin ko muna ang school Principal dito," tanong ng Crown Prince.
"Si Mommy po ang maaring sumagot diyan, Sir," tugon nito saka bumaling sa ina na wari'y hinihingi ang permiso.
SAMANTALANG sa huling pahayag ng anak ay natauhan si Samantha. Maaring ilang taon na ang lumipas pero hinding-hindi niya makakalimutan ang taong nasa harapan nilamg mag-ina.
Subalit bago pa niya maibukang muli ang labi upang sagutin ito ay nahablot siya ng asawa.
"See? Kaya pala ang lakas-lakas ng loob mong maghamon ng divorce dahil may itinatago kang lalaki!"
"Makinig kayong lahat na nandito! Siya si Samantha Valderama. A kicked out lady of Valderama family. Kaya nga siya napadpad dito sa lugar natin dahil nabuntis siyang walang maipakilalang ama ng anak. Ngunit imbes na magpasalamat dahil inako lo silang mag-ina ay kagag*han pa ang isinukli! Harap-harapan ang pakikipagkita sa lalaki niya!"
Ang walang-hiyang lalaki este si Edward ay imbes na kilalanin ang taong inakusan ng lalaki o kabit umano ng asawa ay proud na proud pa itong nagbalita.
"Wala akong pakialam sa panlalait mo sa aming mag-ina dahil ugali mo na iyan, Edward. Ngunit bago mo pagsisihan ang lahat ay alamin mo muna kung sino ang sinasabihan mo ng kung ano-ano! Kilala mo ba siya?" patanong niyang sansala.
"Maaring hindi namin siya kilala, Samantha. Ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na siya ang kabit mo at ama ng bastardong iyan. Kaya't bakit pa namin siya kikilalanin ni Edward. Tsk! Tsk! What a proud wh*re!" Taas-kilay pa na pagitna ni Annie.
"Ngayon, kung ayaw ninyong sa presinto ko kayo dalhin ay ibalik mo sa akin ang kuwentas na iyan, bubwit. Dahil ako mismo ang magsasauli sa mga Cohen," giit pa ni Edward.
Kaso!
Sa tinuran nito ay muli itong sinipa ni Rowan.
"B!tch! Kanina ka pa ah. Gusto mo yatang maunang mamaalam sa mundo ah!" sigaw ni Edward.
"G@g*! Kung hindi lang kasalanan ang pumatay ay kanina pa kita tinuluyan! Kilala mo ba kung sino ang batang iyan? Kung sino ang ama niyang tinutukoy? Sige! Lumaban ka at tingnan natin kung makakauwi ka pa ng buhay!" galit na sigaw ni Rowan.
"Makinig kayong lahat na nandito! Imbes na sawatahin ninyo ang bullying na nagaganap ay nag-eenjoy pa kayo. Kami ay pumarito upang kausapin ang punong-guro ngunit mukhang hindi na kailangan. Nasaksihan namin kung paano ninyo pinagtulungan ang mag-inang Valderama. Asahan ninyong makakarating ito sa royal family at mabigyan kayo ng leksyon!"
Nagmistula tuloy na nasa kampanya ang personal guard dahil magkakalapit silang lahat. Ngunit dinig na dinig ang boses hanggang sa kabilang bahagi ng kalsada.
Bagay na sinamantala ni Samantha. Aalis na sana silang mag-ina subalit naging maagap ang Crown Prince.
"Miss Valderama, alam kong nakikilala mo ako. Kaya't maari bang makausap ko kayo ng anak mo?" anito.
"Kung inaakala kong hahabulin ko siya dahil nagbunga ang araw na iyon ay hindi. Pakisabi lang sa kaniya na kilala siya ng anak ko dahil sa naiwan niyang kuwentas o ang dahilan kung bakit kami ipinapahiya ni Mr Carlsen," tugon niya.
Hindi naman sa ayaw niyang makasalamuhang muli ang ama ng panganay na anak. Subalit nahihiya siyang harapin ito.
"Don't get me wrong, Miss Valderama. Nais lamang kitang makausap ng masinsinan. Nasa iyo pa rin ang desisyon kung nais mo siyang makita. Ngunit hayaan mo sanang makilala nila ang batang ito. He is indeed their heir. Kahit hindi ko makita ang kuwentas na tinutukoy ninyo ay alam kong iyan ang nabanggit ng biyanan kong family heirloom," pahayag nito.
Kaya naman ay natahimik siya. Ngunit ang anak niya ang nagwika.
"Uncle, alam mo po ba kung nasaan ang Papa ko? Dahil gustong-gusto ko po siyang makita. Huwag ka pong mag-alala dahil kagaya po ng sinabi ni Mommy ay hindi namin siya hahabulin lalo na kapag may pamilya na," anito.
"Young man, hindi ko lang alam kundi kabisado ko ang kanilang lugar o nasaan ito. Matalik ko siyang kaibigan. Itanong mo sa Mommy mo kung papayag siyang puntahan natin siya ngayon din," tugon ng Crown Prince.
Kaso!
"BOSS! BOSS! Kailangan nating bumalik sa bahay ni Sir BG!" Malakas at habol-habol ang hininga ng lumapit na lalaki.
"Why? Ano'ng nangyari kay Sam? May masama bang naganap habang wala ako?!"  Tuluyan na rin yatang nakalimutan ng Crown Prince kung nasaan sila.
"He is about to leave, Boss. Ayon kay Mrs Cohen ay tawag  ng tungkulin. Ipinahanap ka lamang dahil baka matagalan daw bago ito makabalik at hindi pa kayo muling nag-usap. Ayon naman kay Madam Margarette ay kayo na lamang po ang mag-usap kung ano ang dahilan," pahayag nito.
"Okay, I got it. Prepare the car and we'll be leaving right away."
"Miss Valderama, Young man, kung okay lang sa inyo ay sumama kayo sa aming dalawa. Doon na tayo mag-usap. Huwag n'yong alalahanin ang school Principal dahil babalikan namin silang mag-asawa bukas. At ipapahatid ko kayong mag-ina sa inyong tahanan anumang oras."
Pinaglipat-lipat pa ng Crown Prince ang paningin sa mga tauhang kapwa naka-civillian dress at sa mag-inang Samantha at Peter Henrik.
At dahil sa bilis ng pangyayari ay namalayan na lamang nilang on the way na sila pauwi sa tahanan ng mga Cohen!