DUMATING ang pinakahihintay ng lahat. Ang party ng renowned and young lady C.E.O. Dahil marami ang nagnanais makadaupang palad ang hindi nakikilalang young achiever ay dagsa ang mga negosyanteng dumalo sa nasabing party. Kasama na roon ang pamilya Valderama at Carlsen.
"Sa unang pagkakataon ay makikita ko sa personal ang Crown Prince at Crown Princess ng bansa natin."
"Bongga at napakasuwerte ng lady C.E.O dahil kakilala pala ang Royal family. Huh! Bihira ang ganitong pagkakataon."
"Tama ka. Ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pa ang lady C.E.O?"
Usapan ng isang grupo na nadaanan ng mga Valderama.
"Mga negosyante tayong lahat. Kaya't sigurado akong alam ninyo kung gaano kaabala ang C.E.O." Hindi tuloy napigilan ni Don Fausto ang sumabad. Dahil talaga namang abalang-abala ang mga tulad nilang negosyante.
"Oh, ikaw pala, Mr Valderama. Sabi ko na nga ba at magkikita tayo sa party na ito. By the way, may idea ka ba kung sino itong renowned lady C.E.O?" Baling ng isa sa nga nag-uusap.
"No, Mr Walker. Pare-parehas lang tayong nangangapa kung sino ang renowned person na ito. By the way, maiwan muna namin kayo rito. Dahil kasama ko ang aking mga anak," tugon ng Ginoo.
Hindi na rin sumagot ang kausap bagkus ay nakangiti itong tumango-tango.
SAMANTALANG hindi naikala ni Edward ang pagkabalisa sa kinakapatid.
"Kanina ka pa hindi mapakali, My love? May problema ka ba?" tanong ni Annie.
"Wala, Annie. Hindi ko lang maunawaan ang aking sarili at pakiramdam ko ay mayroong naghihintay na hindi kaaya-aya," tugon niya matapos nagpakawala ng malalim na hininga.
"Hmmm... Baka kagaya lang ng ibang nandito na excited makadaupang palad ang lady C.E.O na nagpa-organised ng party na ito. Don't think too---"
Kaso hindi na natapos ni Annie ang sinasabi dahil napabaling sila sa mismong entrance ng prestigious hotel.
'HOY, pulubi! Ano'ng ginagawa mo rito?'
'Younger brother, nandito ka rin pala. Sino ang kasama mo? Halika ipakilala kita sa Lola ko.'
'Wala akong pakialam sa Lola mong pulubi ka. Ah, alam ko na. Dito kayo siguro napadpad ni Mommy noong umalis kayo sa bahay, ano?'
'Hindi ka pa rin nagbago, Martin Thomas. Halos isang taon na kaming umalis ng Mommy natin. Subalit wala ka pa ring paggalang sa ating ina.'
'Bakit hindi na lang kayo namatay ng tuluyan? Kasalanan ninyong dalawa kung bakit kayo pinalayas ni Papa. Nararapat lamang na sila ni Mama Annie ang magsama!'
Dahil sa usapan ng dalawang bata ay hindi na nakatiis si Mrs Cohen na kasama ng apong lalaki.
"Peter Henrik apo, halika na. Sigurado akong nasa loob na ang Mommy mo," yakag niya rito.
Kaso siya naman ang hinarap ng walang modong bata.
"Ah, ikaw pala ang kasama ng pulubing iyan? Mag-ingat ka sa kaniya dahil magnanakaw siya patunay lamang ang suot-suot niyang kuwentas," sabi nito.
"Martin, ilang beses ko nang sinabi sa iyo na hindi namin ito ninakaw ni Mommy. Dahil ibinigay ng Papa ko ito sa kaniy kaya't ipinasuot sa akin---"
Subalit hindi na rin natapos ni Peter Henrik ang sinasabi dahil napadagan aiya ng wala sa oras sa nakababatang kapatid ngunit hindi naglipat segundo ay mayroong humablot sa kaniya.
"Ikaw na namang bubwit ka? Hah! Halos isang taon ko na kayong pinalayas sa bahay ngunit heto at nagawa mo pang saktan ang aking anak? Hoy, Peter Henrik! Ito ang tandaan mo! Kahit habang-buhay mong sabihing ibinigay ng Papa mo ang kuwentas na iyan sa makati mong ina ngunit hindi mo naman maipakilala ang tinutukoy mong ama ay ninakaw mo iyan! Bastard!" malakas na wika ni Edward kasabay ng pagduro-duro sa kaawa-awang si Peter Henrik na kung hindi nasalo ng abuela ay baka sumadsas sa sahig.
Kaso!
"Young Master! What happens? Who did this to you?" maagap na tanong ng nalingat na si Lando.
"Young Master? Tinawag mong Master ang pulubing iyan? Hah! Pinalayas ng mga Valderama ang kaniyang ina dahil wala itong maipakilalang ama ng batang iyan tapos Young Master ang tawag mo sa kaniya? Have you gone mad?" mapang-insultong saad ni Edward.
"Tama naman si Mr Carlsen. Naging pasanin niya ang mag-inang iyan. Kaya't hindi na nakapagtatakang ganyan kung ituring ang sampid na magnanakaw na iyan." Paismid pa na pagsang-ayon ni Annie.
Tuloy!
Madilim ang mukha ni Lando bagay na hindi naikala kay Mrs Cohen. Alam niyang anak din ang turing nito sa apo niya at sigurado siyang bubunot ito ng baril. Kaya't naging maagap siya. Pasimple siyang umiling-iling dito patunay lamang na nais niya itong pigilan sa napipintong gagawain.
"Maaring hindi ang pamilya namin ang pinakamayaman sa ating bansa, Mr. Ngunit hindi bastardo at mas hindi pulubi ang apo ko. Maria Cohen ang pangalan ko. Ibig sabihin ay isa sa mga Cohen ang batang kasama ko o ang aking apo. At isa pa, wala na kayong pakialam kung pulubi man kami at napunta sa lugar na ito. Dahil mayroon kaming invitation letter. At higit sa lahat ay walang nakasaad sa imbitasyon na hindi maaring dumalo ang mga 'pulubi' sa pagtitipong ito."
"Halika na, apo ko. Hayaan mo na silang tawagin ka sa paraang gusto nila. Ang mahalaga ay wala kang ginagawang masama sa kanila."
"Lando, abisuhan mo si Sam na may mga asong pagala-gala rito. Kako baka makagat sila lalo at kasama nila ang Crown Prince ng bansa natin."
Ayon!
Napatula si Mrs Cohen!
Hindi lang iyon, bumawi pa ng pasimpleng insulto.
Well, bagay lang sa kanila!
They deserve it, by the way!
NGITNGIT na ngitngit si Edward dahil tinawag silang aso ng matandang Cohen. Kaya't pansamantala siyang nawala sa hulog. Ngunit nang nasulyapan ang anak na akmang hahabulin pa ang 'kapatid' ay natauhan siya.
"Let him be, son. Tandaan mong hindi lang iisa ang araw. At isa pa ay nandito tayo para sa party na ihinanda ng lady C.E.O." Pagpipigil niya rito.
'Humanda kayong mag-ina. Dahil sisiguraduhin kong mas mapapahiya kayo ngayon. I will do everything to be friended with the lady C.E.O. At oras na mangyari iyon ay mas mapalago ko ang aking kumpanya.' Lihim siyang nagngingitngit dahil mukhang tama ang nalamang ang mga Cohen ang nasandalan ng dating asawa.
'Baka naman ang nag-iisang lalaki na anak ng mga Cohen talaga ang ama ng bubwit na iyon? Pero paano nangyari iyon samantalang bali-balitang allergic sa mga babae? D@rn! Imposible iyon!' Patuloy niyang pagngingitngit ng palihim.
SA ISANG sulok ng hotel. Kuyom na kuyom ang palad ni Sam Colt dahil sa nasaksihan o ang pambabastos ng dating asawa ng mahal niyang future wife. Kung hindi pa nga siya napigilan ng matalik na kaibigan at kasalukuyang Crown Prince ng bansa ay nasugod niya ang mag-amang walang-hiya.
"Ang pasensiyosong Brigadier General na ayaw tanggapin ang promotion ay naging mainitin na yata ang ulo. Hmmm... Hindi mo natabihan si Miss Valderama kagabi ano?" Mapanuksong tinig ng kaibigan ang nagpabalik sa kaniyang matinong kamalayan.
"Anak nga ba ni Samantha ang batang iyon o hindi? Abay kahit ako ng ama ni Peter Henrik ngunit iisa naman ang kanilang ina. Ngunit bakit ibang-iba ang ugali ng batang iyon sa --- Teka lang. Sa katunayan ay ngayon ko lang napagtantong mas magkamukha sila ng tinawag na Auntie Annie kaysa ni Samantha," bagkus ay sabi niya kaysa pansinin ang panunukso nito.
"Ang sabihin mo ay mas bagay silang tatlo na maging pamilya. Ayon sa aking imbestigasyon ay doon na nakatira ang babaeng iyon. Mama Annie ang tawag ng bata. Ngunit ang katauhan ng Annie na iyon ay walang nakakaalam," wika nitong muli.
Kaya naman ay napatingin siya rito. Hindi na bago sa kaniyang pandinig ang tungkol sa pagtira ng lintik na babae sa bahay ng dating asawa ng mahal niyang si Samantha. Subalit napantig ang taenga niya sa huliang bahagi ng pahayag nito.
"Kung ganoon ay idagdag mo iyan sa marami mong trabaho, brother. Dahil ako ay abala sa nalalapit naming kasal at sa borders. Maliban na lang kung ayaw mo," ismid niya kaso batok ang napala.
"Tsk! Tsk! Ikaw itong masyadong advance mag-isip eh. Madali lang iyan kung gusto. Kahit ngayon na--- Ah mamaya pala pagdating ni Samantha," taas-kilay nitong sabi saka bahagyang umilag lalo at napatingin siya rito.
"Hmmm... Siguraduhin mo lang---"
Kaso kahit siya ay hindi na natapos ang sinasabi. Dahil panibago namang hindi kaaya-ayang tanawin ang sumambulat sa kanilang matang bughaw!
Ano na naman!