CHAPTER TWO

1511 Words
"LUMAYAS ka ngayon din, Samantha! Wala akong anak na tulad mo!" malakas na sabi ni Don Fausto. "Wala naman sanang problema kung gusto mong mag-asawa. Kahit nauna pa ang langit kaysa kasal. Ngunit tingnan mo ang iyong sarili. Buntis ka ngunit wala ka namang maipakilalang ama ng nasa tiyan mo. At ang masaklap ay hindi mo man lang kilala. Sige nga, sabihin mo sa aming lahat kung wala kaming karapatang magalit sa iyo!" Mahina man ang pagkasabi ng panganay na kapatid ngunit nakakamatay naman sa riin. "You are really disgusting, Samantha. Inakala ko pa namang hindi ka pabor sa pre-marital s*x. Ngunit hindi lang nawala ang iyong dangal pero nagpabuntis ka pa sa hindi man lang kilala. Kaya't huwag kang hangal na mag-iisip na galit kami sa iyo ng walang rason. Dahil ang pagkabuntis at pagkakaroon mo ng ng anak bago pa man ikasal ay malaking kahihiyan na. You are such a shame!" dagdag pahayag pa ng ikalawang Kuya. Marami pa silang binitawang masasakit at nakakainsultong salita. Ngunit dahil totoo namang nabuntis siyang walang maiharap na ama ay pikit-mata niyang nilunok ang mga iyon. "Alam kong wala na kayong paniniwalaan sa kahit ano mang sasabihin ko. Kaya't wala ring silbi na magpaliwanag ako. Upang mawala ang kahihiyan sa pamilya ninyo ay aalis ako kahit hindi ninyo sabihin. Ngunit hayaan n'yo sanang makita ko man lang sana kahit sa huling pagkakataon ang Mama ko---" "Ikaw na ang pinapalayas kaya't wala kang karapatang mag-demand! Kung ako sa iyo ay ang gamit mo ang iyong pagtuunan. Dahil paglabas mo sa bahay na ito ay pinuputol na rin namin ang ugnayan sa iyo!" "Kung hindi lang sana sa kakatihan mo ay hindi mangyayari sa pamilya natin ang ganito, Samantha! Kahihiyan ka talaga! Wala ka ng magandang naidulot sa buhay! Bagay lang sa iyo ang umalis sa bahay! Ikinakahiya kitang kapatid!" Muli ay magkasunod na bulyaw ng mga Kuya niya. Masakit! Mga kapamilya niya mismo ang uminsulto sa buo niyang pagkatao. Aminado naman siya sa kaniyang pagkakamali. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa mga masasakit na salitang natatanggap mula sa mga ito. "Bago magtapos ang araw na ito ay kailangan makaalis ka sa pamamahay ko, Samantha. Wala akong anak na immoral. Huwag mo ng isiping puntahan ang iyong ina sa kaniyang silid. Dahil baka iyon pa ang ikamatay niya. As compensation for our blood ties relationship, take all your ATM's. Ngunit wala ng kasunod iyan. Tandaan mong ako pa rin ang mayroo---" Alam na alam niya kung ano ang nais sabihin ng ama. Kabastusan man ngunit hindi na niya napigilan ang sarili. "Huwag po kayong mag-alala, Mr Valderama. Dahil wala akong kukunin kahit ano mula sa mga ATM na mula sa iyo. Maaring hindi man kasing-laki ng nagmula sa iyo ngunit mayroon akong sariling ipon. Iyon po ang aking gagamitin sa paglayo sa mansion ninyo. Still, thank you for giving me a life." "Mga young masters, maraming salamat sa lahat. Dahil sa ilang taon kong pamamalagi sa piling ninyo ay nagkaroon ako ng mga kapatid." Bukod sa pinaglipat-lipat niya ang paningin sa mga nakalakhang mga kapatid ay bahagya siyang yumuko bilang pamamaalam. Pride! Iyon na lamang mayroon siya sa pagkakataong iyon. They've crashed her to the core. Nang dahil sa isang gabing pagkakamali ay kinalimutan nilang isa siyang tunay na Valderama. Imbes ba tulungan siyang makaahon sa pagkasadlak ay mas inapakan pa siya. "WELL, well... Sinabi ko naman sa iyo, Samantha. Darating ang araw na ito. Ang mawala ka ng tuluyan sa aming landas." Nasa kasagsagan siya nang pag-iimpake nang marinig ang tinig ng adopted daughter ng kanilang pamilya. "Kung wala kang magandang masabi ay umalis ka sa harapan ko, Mayla," sabi na lamang niya. Sigurado naman siyang mayroon itong kinalaman sa nangyari limang buwan ang nakakaraan. Dahil simula dumating ito sa pamilya Valderama ay unti-unti ng nagbago ang pakikitungo ng buong pamilya sa kaniya. "Oh, our high and mighty Samantha Valderama. That quiete--- Bakit ba hate na hate mo ako, Lil' Sis? Kaya lang naman naman ako pumarito upang kausapin ka sanang makiusap na lang kina Lucas at Daniel na kumbinsihin si Daddy na hayaan kang manirahan dito. Pero, bakit ba galit na galit ka na naman?" Mula sa mapang-insulto nitong pananalita ay naging boses kaawa-awa. Kaya naman ay napaismid siya. At bago pa niya napigilan ang sarili ay pinadapo na niya ang palad sa mukha nito. Kaso iyon naman nag pagkakamali niya. Dahil nakalimutan niyang isa itong dakilang artista. Huli na upang mapagtanto ang nais nitong ipahiwatig. "Hanggang sa huli ba naman ay ang pagkabayolente ang nais mong gawin, Samantha? Ano na naman ang rason mo ngayon sa iyong pananakit kay Mayla? Hindi porke't buntis ka ay maari mong gawin ang lahat---" Kailan ba siya nagkaroon ng tamang kilos simula noong dumating ang babaeng mas pinaniniwalaan ng buo nilang pamilya kaysa kaniya? Wala! Kaya't hindi na niya pinatapos ang panganay na kapatid. "Lahat kayo ay magsialis sa aking silid! Tandaan ninyong kahit bali-baliktarin natin ang mundo ay ako ang bunsong anak ng mga Valderama. Kung gusto ninyong kamkamin ang lahat ay isaksak n'yo sa inyong baga. Layas! Umalis kayo rito sa aking harapan upang maka-impake ako!" Pinutol na nga niya ang panglalait at pang-iinsulto ng kapatid sa kaniya ay nagmistula siyang sinaniban ng masamang espirito dahil nagkaroon siya ng kakaibang lakas kaya't ipinagtulakan ang tatlo na hindi man lang hinayaang muling makasagot. "Huwag kang mag-alala, anak. Dahil kahit aksidente ang pagkabuo mo ay hindi ko hahayaang may manakit sa iyo. Aalis tayo sa impiyernong ito upang makapamuhay ng maayos at malaya mula sa kanila," bulong niya saka hinaplos-haplos ang nagsisimulang umumbok na tiyan. And, yes, it is! Ang isang gabing pagkakamali sa reception ng kasal na dinaluhan ay nagbunga. Ngunit bilang tao at lumaking sagradong Katoliko ay wala siyang balak ipalaglag ang sanggol na nasa kaniyang sinapupunan. DENMARK SOUTH-WEST BORDERS "HAND SALUTE, Sir General!" Nakasaludong pagbati ni Brigadier General Cohen. "Carry on, Brigadier Cohen. Maupo ka," tugon nito habang nakalahad ang palad sa mga nakahelirang upuan. "Thank you, Sir General. By the way, my bodyguard said that you want to talk to me. What it is, Sir? Huwag mong sabihing may giyera tayong pupuntahan at sinadya mo pa ako rito sa borders," kaagad niyang sabi nang nakaupo na siya. Well, he is a man with impartiality and honour. He lives his life in guarding their nations safety in SOUTH-WEST. They are all living in modern technology, but due to unexpected movement around, they need to be sure for the sake of their people. Binansagan pa siyang hustler of the battlefield kumbaga sa mediaeval era ay god of war. Kaso! "Brigadier General Cohen, are you sure that you are with me? Aba'y kanina pa ako nagsasalita rito ah." Tinig ng boss niya amg pumukaw sa kaniyang naglalakbay na diwa. "Forgive me, Sir General. May naalala lang ako. Ano ba kasi iyon?" tanong niya. "Well, kakantiyawan sana kitang may namimis sa siyudad, Brigadier Cohen. Ngunit bukod sa mga magulang at kapatid mo ay wala namang iba. By the way, the general of North Borders sent a message. Ayon sa kaniya ay kailangan nila ang tulong. Actually, most of the military camps in our kingdom received that message. Pero dahil pumarito ako ay hindi ko na ipinaalam sa inyo rito. Kako ako na lang mismo ang magbabalita. At may ipinapaabot na mensahe ang iyong ina." Mula sa mapanukso nitong tinig ay napalitan ng pagkabahala. Kaya naman ay napataas ang malalago niyang kilay. "May cellphone naman tayong lahat, Sir General. Bakit hindi sila tumawag sa akin? Wait lang, General. Sabi mo ay may dahilan kung bakit ka pumarito in secrecy. Leave alone my family matter. Dahil mas importante ang dala-dala mong balita," aniyang muli. Subalit imbes na sumagot ito ay kumuha ng papel at nagsimulang magsulat. 'Kung ayaw niyang may makarinig, confidential ito. Ngunit bakit hindi na lamang niya ako pinatawag at kaming dalawa ang mag-usap? F*ck! May nangyayari ba sa aking paligid na hindi ko nalalaman?' pipi niyang tanong sa sarili. Kaso! Nang iniabot na ng opisyal ang sulat sa kaniya ay mas namilog ang asul niyang mata! Hindi lang iyon, napakuyom ang mga palad! Kulang na lamang ay mapunit-punit ang hawak-hawak na sulat. "Yes, Brigadier Cohen. Iyan ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Kung napapansin mo ay wala akong ibang kasama kundi ang dalawang personal bodyguards. Dahil ayaw kong maka-attract ng atensiyon. Kaya't kung ako sa iyo ay kumilos ka na rin ng palihim. Huwag kang mag-alaal, dahil kilala kita at mayroon akong tiwala sa iyo. Just do it before it's too late," pahayag nito habang nakatitig sa kaniya. Kaya naman ay muli siyang tumayo at sumaludo. "Permission to leave, Sir General," aniya. "Carry on and good luck, Brigadier Cohen," nakasaludo na rin nitong tugon. Kaso! Mukhang hinahabol siya ng kamalasan sa araw na iyon! Dahil habang nasa daan sila pabalik sa apartment niya ay mayroon namang buntis na wari'y hinahabol ng nakabuntis! Dahil sa laki ba naman ng tiyan nito ay mabilis at walang pag-iingat ang kilos nito. Kaya naman ay wala silang nagawa kundi ang hintuan ito upang tulungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD