IYA "Anong tinatawa-tawa mo diyan?" takang tanong ko kay Rohan nang marinig ang pagtawa niya mula sa kabilang linya pagkatapos ko siyang murahin. "I miss your voice. I miss your blabbering. I miss your cursing. I just miss you damn much, Iya." Lalo akong sumimangot. "Weh? Miss daw, pero nagawa mo nga akong hindi kausapin nang mahigit isang linggo. Nagawa mong tiisin. At hindi ka man lang nagpaalam sa akin na aalis ka at pupunta ng France." "Sorry about that." "Sorry lang? Ang lagay ba ay sorry lang ang sasabihin mo? Pagkatapos mong hindi magparamdam nang matagal ay iyan lang ang sasabihin mo? Hindi iyan ang gusto kong marinig sa 'yo, gorgeous neighbor! Hindi sorry ang kailangan ko sa 'yo-" "Je t'aime." Naputol ang ano mang sinasabi ko at biglang natahimik. Ano raw? "Je t'aime, Iya.

