IYA Napapikit at halos mapaungol ako nang manuot sa lalamunan ko ang sarap nitong kinakain ko. Sabi ni Kaye, ito ang Faux Crepe Cake. This is the second day na may pa-free taste ng French dessert ang TSC. At malapit na akong masanay sa libreng pakain nila. Sana araw-araw ganito. Mas lalo tuloy akong ginaganahang kumain - este magsulat ng story sa cafe na ito. And adding new menus were a good decision, too, rather than taking down this cafe. Mukhang mas papatok nga sa customers lalo na sa mga katulad ko na tumatambay rito kung gagawin nilang restaurant and cafe ito. Hindi ko rin tuloy maiwasang ma-curious sa head chef nila. At nang tanungin ko si Kaye tungkol doon, ang sabi lang niya ay shy-type daw ang head chef nila kaya hindi lumalabas ng kusina nila. "Guwapo ba?" tanong ko. Lumapad