ROHAN Tahimik at parang wala pa rin ako sa huwisyo nang aminin at tanggapin ko sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko kay Iya. At hindi rin ako makapaniwala na nauna pang makaalam ng nararamdaman ko ang dalawang gagong ito bago pa man ako makaamin sa babae. Walang nagsasalita sa aming tatlo hanggang sa mapukaw ang atensiyon namin sa pagdating ni Ivory. "Sorry kung maiistorbo ko ang inuman n'yo," sabi ng babae bago matamang tumitig sa direksyon ko. "Puwede ka bang maistorbo saglit, Rohan? It's about Iya." Naalerto ako at biglang napatayo mula sa kinauupuan ko. "What about her?" Just hearing her name made me want to run to her right now. "Medyo nakainom na kasi siya at ang pangalan mo ang tinatawag niya," alanganing sabi ni Ivory. Binalingan ng babae ang katabi ko. "Actually, kayong d

