ROHAN Pagdating sa Supermarket, ako ang nagtutulak sa big cart. Panay ang kuha ni Iya ng kung anu-ano, pero ibinabalik ko naman ang mga iyon. She was picking something that wasn't needed for the menu. Pero, ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? She didn't know how to cook. Malamang wala rin siyang idea sa ingredients na kailangan. Napapailing na lang ako at napapahinga nang malalim sa mga pinagkukuha niya. In the end, I just let her. Hindi ko na siya pinigilan pa sa mga inilalagay niya sa cart. Ang pinakamarami niyang kinuha ay chocolates and junk foods. "Stock ko sa bahay. Nandito na rin naman tayo para mag-grocery, lubusin na natin," she answered while grinning when I eyed her because of the chocolates and junk foods she put in the cart. Napailing na lang ako at hindi na nagsalita. Na

