IYA Muli akong natawa sa joke ni Tito Ravi at sinegundahan ko pa iyon na ikinatawa rin ng huli. Bahagya ko pang pinalis ang pasimpleng paghawak ni Rohan sa kamay ko. Narinig ko ang mahinang palatak niya nang hindi ko siya pansinin. Ilang beses na ba niyang ginawa 'yon? At alam kong ginagawa niya iyon kapag sinusubukan niyang pigilan ako sa pagdaldal. Kapag hindi ako nakuha sa masama at nagbababala niyang tingin, bahagya niyang pipisilin ang isang kamay ko mula sa ilalim ng table. It was a warning from him. Magkatabi kami ni Rohan sa upuan habang katapat namin ang tatay niya kaya hindi nakikita ng matanda ang silent warning ng anak nito sa akin. Mr. Ravi Grantier is very funny and easy to talk to. My first impression of him when I first saw him was the same as his son. Masungit at suplad

