ROHAN Naalimpungatan ako nang may liwanag na tumatama sa mukha ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang nakapikit at payapang mukha ni Iya ang nabungaran ko. I couldn't help but smile when I saw her innocent and angelic face. At ang sarap lang sa pakiramdam na siya ang unang makikita ko paggising sa umaga, cuddling me and sleeping next to me. I love the idea and I could even get used to it. Nang bahagya akong gumalaw ay gumalaw rin siya. Nakaunan ang ulo niya sa kanang braso ko at mas sumiksik pa siya sa katawan ko, her face was leaning on the crook of my neck. Sinubukan ko uling gumalaw at tanggalin ang mga braso niyang nakayakap sa katawan ko, pero umungol lang siya at mas humigpit ang pagkakapulupot ng mga braso at binti niya sa akin. Napamura ako sa isip ko nang iba ang nag

