IYA "Mabait po si Rohan sa 'kin, Tito Ravi." Lalo na kapag tahimik lang siya at hanggang masamang tingin lang. "Kung hindi n'yo rin po naitatanong, hindi po ako marunong magluto kaya siya rin po ang palaging nagluluto ng pagkain para sa akin." Suki po kasi ako ng order sa cafe niya. "Kaya rest assured po na hindi niya po ako pinapabayaan." Magkapitbahay din kasi kami. "That's good to know, Iya. Gusto ko ring maayos ang pakikitungo niya sa mapapangasawa niya," sabi ni Tito Ravi. "Sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka ng anak kong 'yon," dagdag pa niya. Isang tango at pilit na ngiti ang isinagot ko sa matanda. Juskolord! Patawad po sa aking kasinunganlingan. Kinikilabutan ako sa word na mapapangasawa. Huhuhu! Really, Iya? Kinikilabutan? Baka kinikilig ang ibig mong sabihin diyan? Tse! Ma

