ROHAN Nakabalik na ako ng bansa. At sa araw pa lang ng pagbabalik ko, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Dumeretso na ako sa kompanya ni Papa para makausap siya. Tinanong ko rin agad siya kung bakit hindi niya sinabi sa akin na divorced na sila ni Mama. "You didn't ask about it. So, I thought it's unnecessary to tell you about it." Nice thought. And very Ravi Dale Grantier. Kaya 'wag na magtaka kung kanino ako nagmana. Tsk. I thought talking to him alone would be so hard. But, no. At ako mismo ay nagugulat sa nararamdaman ko ngayon. I didn't feel any hatred towards him now. Siguro dahil noon ay nabubulagan pa ako sa galit at sakit na naramdaman ko. Masyado kong inisip ang pananakit at pang-iiwan ni Papa. Ngayon, malinaw ko nang nakikita ang lahat. At tama si Mama. He may not be saying

