NAGINIT AGAD ANG ULO ni Ginger. Subalit hindi niya pinahalata ang inis na bumabalot sa kaniyang sistema. 'Sa lahat ng isasama para pumili ng singsing ako pa talaga?Bakit ako? Manhid ka ba talaga o sadyang nasa budhi mo ang walang paki-alam sa mararamdaman ng ibang tao?' Ilang segundong natahimik si Ginger. 'Relax, Virginia!' Pagpapakalma niya sa sarili. Matapos ay hinarap si William. "Kay Mama Alice na lang kayo magpasama o kay Mama Almira. Mas magaling sila pumili kaysa sa akin. Wala akong hilig sa alahas. Tiyak sosyalin at mayaman ang pakakasalan mo. Baka hindi bet ng girlfriend mo kung chaka sa paningin niya ang magandang mapipili ko. Sige, Sir. Alis na 'ko. Nasa baba na si Kyler." Gusto man sundan ni William si Ginger hindi niya ginawa. Mag-iinit lang ang ulo niya kapag nakita ang