"ANO BA’NG DAPAT HINDI ITIGIL? Ang mahalin kita o ang kamuhian ka?” wala sa loob na naitanong ni Ginger sa walang-malay na binata. "Don’t stop...” Ang kaparehong katagang hinalinghing ni William sa hotel isang taon na ang nakalilipas ang tugon nito sa kaniya. Saktong-sakto ang tono nito noon habang nakasiksik ang mukha nito sa kaniyang leeg. Hindi iyon makakalimutan ni Ginger dahil iyon din ang unang beses na may nakahawak sa kaniyang maseselang dibdib. ’Yong parang may kuryenteng dumaloy sa kaibuturan ng kaniyang kalamnam habang nilalamukos iyon ni William. Hindi niya ikakailang nagalit siya sa binata ngunit nagustuhan niya rin naman ang kakaibang sakit at sarap na ginawa ng lalaking kaniyang iniibig Inasahan ni Ginger na ibang William na ang makakasalamuha niya dahil maayos naman a