“YOU’RE SUCH A CLOWN, Ginger. Sinong tao ang allergic sa hotdog?” tanong ni Nate. Natigil ito sa pagbabalat ng seafood at pinagmasdan si Ginger. “Ginu-good-time mo yata kami, e.” Hindi pa rin umimik si Ginger. Maya-maya ay nakahawak na ito sa leeg na parang nabubulunan. Tumataas-baba na rin ang mga balikat nito na parang nahihirapang huminga. “Ginger, okay ka lang?” William was starting to worry. Katahimikan naman ang sinagot ni Ginger. Hindi niya na alam kung ano’ng nangyayari sa kaniya. Hindi naman talaga siya literal na allergic sa hotdog. Maaari rin ’yong inihaw na tulingan ang nakadale sa kaniya. Naihalo kasi ang katas nito sa hotdog. Isa lang naman ang nakain niya, kumagat siya ng hotdog at hindi pa naman ’yon nangalahati. Nabigla sina William at Nate nang biglaang nawalan ng ma